Chapter 5

11 3 0
                                    

Dorothy Kei

Agad akong napabangon, napatingin ako sa orasan na nandito sa bedside table. Its 5am, bukas na ang cafeteria. Nagbihis ako at nagdala ng pera. I saw Green coming out from the cr at bumalik sa paanan ng kama ko.

Natawa ako ng maalala yung panaginip ko. Naging tao raw si Green kagabi tapos may kumatok sa bintana mula sa labas! Hay naku, masyado akong takot kagabi kaya nanaginip ako tungkol doon. Tinatakot ko lang sarili ko, ugh!

"Meow," napatingin ako kay Green, he must be wondering why I'm laughing.

"Impossibleng maging tao ka. Hahahaha. Bili muna ako ng almusal natin," paalam ko.

"Meow."

Lumabas na ako at maingat na naglakad patungo sa baba. Halos wala pa atang gising. Pagdating ko sa baba ay napatalon ako sa gulat dahil sa babae na nasa main desk.

"Good morning, Miss," bati niya.

"Good morning, din, Miss. U-Uh, nakatulog ba kayo ng maayos?"

"Matutulog pa lang ako, night shift ako. Ang aga mo naman. Magkakape ka?"

"U-Uh, opo."

"Scholar ka ba o transferee? Ngayon lang kita nakita."

"Scholar po," sagot ko.

"Ikaw ba si Miss Kei o Miss Hules?"

"Mi-Miss K-Kei, po."

"Ah, here's your allowance for today," sabay bigay ng pouch. "Hindi naibigay ng nakaduty kahapon yung allowance niyo kaya 700 'yan."

"Talaga po? Akin 'to?!"

"Hmmm. Magpakabusog ka."

"Salamat, po," nakangiti kong sabi.

Tumakbo ako patungo sa cafeteria, medyo madilim pa pero may lamps na nakasabit sa puno kaya nakikita ko ang daan. Pagdating ko sa cafeteria may mga estudyante na nag-aalmusal at nagkakape.

"Good morning, how can I help you, Miss," bati ng babae na nandoon.

"Uh, ano po ang available na breakfast niyo?"

She gave me the list kung ano ang available for today. Pinili ko yung hotdog with egg na breakfast combination. Iyon nalang din ang kinuha ko para kay Green. Bumili rin ako ng tubig, isang liter binili ko. Binalot na ni Ate yung pinili ko.

Mabilis akong bumalik sa dorm. May mga estudyanteng nakauniform na ako na nakakasalubong at papunta na sila sa academy. Pagkapunta ko sa palapag namin ay nakita kong lumabas si Ariesa sa kwarto niya. Nagulat siya ng makita ako.

"Good morning, Ariesa," bati ko.

"Good morning, aga mo ata."

"Hmmm, bumili ako ng almusal namin ni Green. Maliligo pa ako."

"Ah, nga pala, yung uniform niyo ni Merlin! Naku, nakalimutan ko ang tungkol doon kahapon! I'll get it for you!"

"Naku, wag na, ako—"

"Ako na ang bahala, Dorothy," she smiled. "Asikasuhin mo na si Green. Ako na bahala sa uniform mo."

"Sige, salamat."

Dumiretso ako sa kwarto at naabutan ko si Green na nakahiga sa study table, bumangon siya ng makita ako.

"Kakain ka ba nito, Green? Ito nalang binili ko, same breakfast tayo. Bumili pa ako ng tubig dahil ang arte mo," sabi ko at inaayos yung pagkain sa kainan niya.

"Meowww," he said and started eating when I finished transferring the food. Nilagyan ko rin siya ng tubig.

"Maliligo muna ako, Green," paalam ko.

Cat PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon