Chapter 10

15 3 0
                                    

Dorothy Kei

Kakaalis lang ni Merlin at kakabalik ko lang mula sa cafeteria. Bumangon ako kanina dahil nagpaalam si Merlin na uuwi na siya sakanila, sinabi ko rin kay Merlin ang tungkol sa bago kong magic. Hays. Natutulog pa rin si Green.

Nakokonsensya ako sa mga sinabi ko kagabi. Sinabi niya na hindi siya galit pero, alam kong nasaktan siya dahil doon. Bakit ko ba kasi sinabi 'yon? Bigla nalang akong nagalit ng husto, hindi ko alam kung bakit.

I prepared his food and water. Pagkatapos ay nilapitan ko siya.

"Green," mahina kong tawag. "Green."

"Meowww," he responded.

"Wake up, kakain na."

Tiningnan niya ako at bumaba, pumunta na siya sa kainan niya. Kumain na rin ako. Ano ba ang gagawin ko ngayong araw? Ay, may dapat pala akong bilhin sa bayan.

"Green, gusto mo bang sumama? May bibilhin ako sa labas."

"Meow," he said and wagged his tail. Ibig sabihin ay ayaw niya.

"Sure ka na ayaw mo?"

Sinulyapan niya ako ng ilang saglit at bumalik sa pagkain. Pagkatapos namin kumain ay iniligpit ko ang pinagkainan namin. Naligo ako at nagbihis, inayos ko ang basket at pouch na dadalhin.

"Green, sigurado ka ba na ayaw mo sumama?" tanong ko habang nakaupo sa harapan niya.

Nakahiga siya sa kama ko, he just yawned and closed his eyes. Nagtatampo ba siya?

Stupid, Dorothy! Sino ba ang hindi magtatampo sa mga sinabi mo kagabi, huh?!

"I'm really sorry, Green," sabi ko, tiningnan niya ako. "Sorry sa mga sinabi ko kagabi. Hindi ko alam kung bakit ko 'yon nasabi. I'm really sorry."

"Meow."

"Galit ka ba sa akin?"

He wagged his tail.

"Bakit ayaw mong sumama sa akin?"

"Meow," he yawned again.

"Inaantok ka?" tanong ko.

"Meoww."

"Bubuksan ko nalang ang bintana," sabi ko at binuksan 'yon. Pumasok ang simoy ng hangin, ang ganda sa pakiramdam.

"Hindi ko alam kung anong oras ako makabalik. But, I'll make sure before lunch ay makauwi na ako."

"Meow!" he stood up, parang nagalit siya.

"Hindi ko alam kung anong oras ako makabalik. May hahanapin pa akong materials para sa project namin ni Merlin at Ariesa. Ako ang pinapabili nila."

"Meow, meow, meow!" he complained as he jumped down out of my bed.

He walked towards the basket and he opened it using his paw. Pumasok siya kaagad. I guess sasama siya. Well, maglalakad lang naman ako dahil paglabas ng academy ay nasa district one na ako. May pera naman na ibinigay si Ariesa para sa bibilhin ko na materials.

"Meow," reklamo ni Green sa loob ng basket.

Hindi ko nalang siya pinansin. Nagtatanong ako tungkol sa shop na sinabi ni Ariesa. Hindi ko kasi alam kung saan 'yon. Mabuti nalang at tinuruan ako ng tinatanong ko kung saang direksyon ang shop.

Pagkapasok ko doon ay tumunog ang bell. Napatingin sa akin yung nasa counter at binati niya ako.

"Magandang araw, anong maitutulong ko sa'yo?" tanong niya habang nakangiti.

Cat PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon