Chapter 25

8 2 0
                                    

Warning: Violent scenes up ahead

———

Dorothy Kei

Iminulat ko ang mata ko. Ang bigat ng ulo ko, parang pinupokpok. Tatayo sana ako pero napansin kong nakatali ang paa ko, pati ang mga kamay ko!

Nasaan ba ako?!

Inilibot ko ang paningin ko sa buong silid. Parang nasa isang stock room ako. May mga kahon na nandito. Meron din dalawang bintana pero tinatakpan ito ng mga piraso ng kahoy. Umaga na ba? Anong oras na? Medyo maliwanag na sa labas.

Sinubukan kong sunugin yung lubid na nakatali sa akin. Nakahinga ako ng maluwag ng nasunog ito. Grabe, ang sakit ng kamay at paa ko. Ilang oras ba ako itinali?!

Teka... Ano ba talaga ang nangyari?

Pumunta ako sa comfort room, tapos...

Napatakip ako sa bibig ko. Yung mga lalaki kagabi...

Mga hunters...

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa pinto. Nanlaki mata ko dahil bigla itong bumukas. Nakita ko ang malaking lalaki na may hawak na palakol kagabi. Agad ko siya itinulak at binato siya ng tubig.

"Anong—gising na yung babae!" sigaw ng isang lalaki mula sa labas.

Itinaas ko ang kaliwa kong kamay at may mga malalaking ugat ang lumabas mula sa lupa. Ikinulong ng ugat ang paa at kamay ng lalaki. Napatili ako dahil may tumakbo patungo sa akin na lalaki na may dalang tubo.

Binato ko siya ng bola ng apoy at nasusunog ang kanyang buhok. Agad akong lumabas sa silid. Nakita ko ang isang pinto. Tumakbo ako patungo doon. Sinubukan kong buksan ang pinto pero ang daming lock! Tiningnan ko silang dalawa na napoporblema. Pinagalaw ko ang isang ugat patungo sa lalaking nasusunog ang buhok para hindi siya makatakbo patungo sa akin.

Anim na lock ang nandito. Agad kong sinubukan tanggalin ang mga ito. Pero nanginginig ang kamay ko dahil sa takot at kaba. Iikutin ko na sana ang doorknob pero may humila sa buhok ko mula sa likod. Sobrang higpit ng hawak niya, napahiyaw ako dahil sa sakit.

"Akala mo makakatakas ka pa? Walang tutulong sa'yo!" bulyaw niya sa akin at sinampal ako.

"Hoy, Hernan ang grabe mo naman," sabi ng lalaki na binato ko ng tubig kanina.

"Gusto ko ngang sampalin ang babaeng 'yan, sinunog niya buhok ko, bwiset!" galit na bulyaw nung isang lalaki.

"Ibigay mo sa amin ang pakpak mo kung ayaw mong mamatay," sabi ng lalaking nakahawak sa akin.

"Ayoko—aray!"

Hinila niya ako gamit ang buhok ko patungo sa silid kung saan ako itinali kanina.

"Ayusin mo yung upuan!" utos ng lalaking may hawak sa akin.

Itinayo ng isang lalaki ang upuan. Pinaupo niya ako sa upuan, ayaw ko sana umupo pero sinigawan niya ako.

"Kapag gagamit ka ulit ng mahika, hindi ako nagdadalawang isip na patayin ka!"

Agad akong umupo ng makita ko ang isang punyal na inilabas niya mula sa lalagyan na nakasabit sa kanyang hita.

"Itali niyo!"

"Baka gagamit 'yan ng mahika," sabi nung malaki ang katawan.

"Natatakot ka? Edi bugbugin mo!"

"Baka mamatay 'yan pagbinugbog ko."

"Kunin mo nga yung latigo."

Tumakbo ang isa palabas at pagbalik niya ay may dala siyang latigo. Napalunok ako dahil sa kaba. Hinila ako patayo ng lalaking sumampal sa akin gamit ang buhok ko at itinulak sa sulok.

Cat PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon