Chapter 14

6 2 0
                                    

Dorothy Kei

"Member ka ng GOEST?!" sabay namin na tanong ni Lileep.

Tumango lang si Archer nilang sagot. Isa siya sa membro ng GOEST. Teka, trabaho ba ang pagiging membro sa organisasyon na 'yon? Teka, paano niya nalaman ang tungkol kina Lilian?

"Bumalik muna tayo sa hotel. Kailangan ko pang pumunta sa headquarters para e report ang nangyari dito," sabi ni Archer at kinuha ang basket. "May mga sugat ka ba, Dorothy?" tanong niya.

"W-Wala," sabay iling ko.

"Uuwi na tayo, Lileep," sabi ni Lilian.

"Hindi ako uuwi!"

"Anong ginawa mo kanina? Hindi mo man lang naipagtanggol sarili mo," sabi ni Lilian habang binibigyan na matalim na titig si Lileep.

"Whatever, hinding-hindi ako babalik hangga't hindi namin makikita ang kapatid ni Green!"

"Alam kong gusto mong tumulong pero nahihibang ka na ba?" inis na tanong ni Lilian.

"Hindi mo mababago ang isip ko!"

"Mamaya na kayo mag-away," saway ni Archer sakanila. "Bumalik na tayo sa hotel."

Kinuha ko si Green at mga kapatid niya. Inilagay ko sila sa loob ng basket, hindi na nagreklamo si Green na si Archer ang nagdala sa basket. Pagdating namin sa hotel ay wala sila Ariesa at Merlin. Lumabas na siguro sila.

"Magpahinga ka muna, Dorothy."

"Hmmm, pasensya ka na kanina."

"May mga kakailanganin ka ba? Baka pwede ko bilhin mamaya."

"Ah, teka muna," sabi ko at tumuloy sa loob.

Binuksan ko ang basket at lumabas sila Lileep, pati sila Green ay lumabas. Kinuha ko yung pouch mula sa loob ng basket. Magkano kaya ang mga damit nila dito? Ilang taon na ba mga kapatid niya?

Tiningnan ko yung dalawang chipmunk na nakaupo sa itaas ng mesa na magkahawak ang kamay. Napaatras sila ng lumapit ako sakanila.

"Wag kayong matakot sa akin, ilang taon na ba kayo?"

"Chip? Chip chip?"

Napakurap ako, tiningnan ko si Green na kakalabas lang ng banyo.

"Green, ilang taon na ba mga kapatid mo?"

"Meow?" tumalon siya sa itaas ng mesa. "Meow, meow meow meow."

"Chip chip chip chip," sabi nung isang chipmunk.

Kumuha ako ng papel at nag sulat ng mga numero, one to ten.

"Ituro mo, Green."

"Meow," as he wagged his tail.

"Para malaman natin ilang taon kapatid mo, para makabili tayo ng damit sakanila."

"Meowwww."

Napabuntong-hininga ako, bahala na nga. Ayaw ni Green ituro. Bumalik ako sa harapan ng pinto kung nasaan si Archer nakatayo.

"Pwede mo ba ako bilhan ng ilang piraso na damit na panglalaki?"

"Damit?" naguguluhan niyang tanong.

"Hmmm, hehehe."

"Pasalubong?"

"Uh, hmmm, oo, pasalubong para sa mga pamangkin ko, hehehe."

"For kids?"

"For kids."

"Sige," at ibinigay ko sakanya ang pera.

Cat PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon