Chapter 8

9 2 0
                                    

Dorothy Kei

"So, si Green ay isang prinsipe na mula sa kaharian ng Sapphirine, tapos, isa siya sa mga sinumpa ni Solana?" tanong ni Merlin.

Sabay kaming tumango ni Green bilang sagot. Napailing nalang si Merlin.

This morning was chaos, bumaba talaga ang lagnat ko ng mahimatay si Merlin. When she gained consciousness, she told me na ang weird daw dahil naging tao si Green. I told na totoo 'yon at ayaw niya maniwala.

She help me take some medicine. Hindi ako pumasok, siya na rin ang nagpaalam sa teachers namin. Binilihan nga niya kami ng breakfast ni Green. Kakatapos lang namin magdinner. Umuwi si Ariesa sa bahay nila kanina kaya hindi siya sumabay sa amin.

Habang kumakain kami ay biglang naging tao si Green. Napatili naman si Merlin dahil doon. Magkatabi kami ni Green ngayon na nakaupo sa gilid ng kama habang nakaupo si Merlin sa upuan at nakaharap sa amin.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Merlin.

"I'm stranded, okay?"

"Kung exactly 13 years ago nangyari ang aksidente, bakit hindi ka umuwi sa Sapphirine? Why did you stay here?" tanong ni Merlin.

"Dahil ayokong umuwi hangga't hindi ko kasama ang mga kapatid ko," sagot naman ni Green.

"Ilan ba kayo magkakapatid?"

"Anim."

"Anim pala kayo?" tanong ko, ngayon ko lang nalaman.

"Anong pangalan mo? We can ask for help—"

"Wag na," sabi ni Green at napakunot ang noo ni Merlin.

"Anong 'wag'? Kung prinsipe ka may kakayahan kang humingi ng tulong—"

"Do you think I can go home to Sapphirine in this current state, Merlin? Nagiging pusa ako sa umaga. I only have 10 hours in a human form. Anong masasabi ng mga tao sa Sapphirine? Do you think I can stay at the castle? They will throw me out," he ranted.

Natahimik naman si Merlin at napaisip. Nakikinig lang ako sa sinabi niya, may punto kasi siya. Kung ako isa sa taga pagsilbi sa palasyo, tapos makikita ko na naging pusa ang prinsipe, siguro matatakot ako.

Well, kung taga pagsilbi ako. Normal na taga pagsilbi, pero hindi. Isa akong tao na hindi ko alam kung bakit may fairy magic ako, according to Green na fairy magic ang tawag doon.

"May punto ka, matatakot nga ang mga tao," mahinang sabi ni Merlin. "Ano nga ba ang pangalan mo?"

Umiling lang si Green.

"If you read history books, baka malaman niyo."

"Wag mo nalang tanungin, Merlin," sabi ko.

"Baka pinagloloko tayo niyan. Baka hindi talaga siya prinsipe."

"I'm a prince. I belong to a royal family, Merlin," sabi naman ni Green.

"Bakit ayaw mong sabihin pangalan mo?" naiinis na tanong ni Merlin.

"Part of the legend says that bandits attacked us and tried to kill the royal family," seryoso na sabi ni Green. "They successfully killed my parents, do you think I will give my name easily, Merlin? What if word will spread that I'm alive and about the curse? They tried to kill us, and I know they might still be out there."

Napalunok ako dahil sa topic namin, ang intense ng sagutan nila.

"Alam ba ni Dorothy ang totoong pangalan mo?" seryosong tanong ni Merlin.

"She has no idea. Sasabihin ko sakanya kung natalo ko na ang sumpa. You know she's stupid sometimes."

"Ay! Agree ako diyan!" at naghigh-five sila.

Cat PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon