Chapter 13

7 2 0
                                    

Dorothy Kei

"Fukanō," sabi ni Lilian.

( Impossible )

"It's impossible! Hindi pwede!" sabi naman ni Lilac.

"Pwede naman siguro na humingi tayo ng permiso sa reyna?" tanong ni Lileep.

"Lileep!" saway ni Lilac.

"Ayaw niyo ba na tulungan si Green?" tanong ni Lileep sa dalawa.

"Gusto," sabay na sagot ni Lilian at Lilac.

"Pero, hindi tayo pwede lumabas sa kaharian! Ano nalang masasabi ng reyna?" dagdag ni Lilac.

The three of them are sitting at the top of the table arguing. Yakap ni Lileep yung pambura ko. Aalis na kami nila Green patungo sa ibang kaharian bukas at nandito sila Lileep ngayon para mang kumusta.

Noong araw na sinabi ni Mrs. Peraque na ihanda ang mga gamit namin agad kaming umuwi ni Merlin. Isinama ko si Green at umuwi sa District five. Pinadalhan ako ni Mama ng ilang gamit at pinaalahanan ang mga bawal gawin sa kabilang kaharian. They wished me to have a safe trip. Dadaanan ko rin sila Ate at Kuya kung may oras.

"Paano niyo nalalaman ang tungkol sa sumpa ko? Pwede niyo ba turuan si Dorothy?" seryoso na tanong ni Green sakanila.

"Hindi 'yan magagawa ni Dorothy dahil hindi siya isang yōsei," sabi ni Lilian.

"Yōsei?" naguguluhan kong tanong.

"Fairy, duh," sagot ni Lileep.

"Hindi ba talaga kayo pwede umalis dito?" tanong ni Green.

Malalaman nila Lileep kung nasaan mga kapatid niya kapag sasama sila dahil nararamdaman nila ang sumpa. Mas maging madali ang paghanap namin kung kasama namin sila. Nawawala na rin ang takot ko sa mga fairies, mabait naman sila Lilian at hindi sila masama. Gusto lang talaga manakot ni Lileep noon at sinamahan lang siya nila Lilian at Lilac.

"Hindi kami pwede umalis dahil magagalit ang reyna," sabi ni Lilian.

"Ayaw niyang mapahamak kami kagaya ng ibang fairies na lumalabas sa kaharian at hindi na nakabalik," dagdag ni Lilac.

"Pwede ba namin makausap ang reyna niyo?"

"Hindi!" sabay na sagot ni Lilian at Lilac.

"Bakit naman hindi?" tanong ko.

"Dahil tao si Green, ano nalang masasabi ng reyna? Malalaman nilang lahat na lumalabas kami sa kaharian namin. Mapaparusahan pa kami," sagot ni Lilac.

"Wag nalang tayo humingi ng permiso," sabi ni Lileep at ngumisi.

"Baka janai no?!" sabi ni Lilian habang nakatayo at nakatingin kay Lileep.

( Are you crazy?! )

"Īe. Kyoka o motometara komaru to osshaimashita. Sorede, sore o motomezu ni tada sarimashou," sabi ni Lileep at umunat.

( Nope. You said it would be trouble if we ask permission. So, let's just leave without asking for it. )

"Green," sambit ko at tiningnan niya ako.

"Naiintindihan mo ba sila?"

"Hindi, pero ang īe ay no. Iyon lang naintindihan ko."

"Baka!" sigaw ni Lilian.

"Nag-aaway ba kayo?" tanong ko at nilingon nila kami.

Lilian sighed.

"Hindi talaga kami pwede sumama, nakakatakot yung parusa na haharapin namin kapag lalabag kami sa batas," paliwanag niya.

Cat PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon