Chapter 26

10 3 0
                                    

Green

Since the day that she started to cough blood, I'm worried about her. Ayokong mawala siya sa paningin ko dahil natatakot ako sa pwedeng mangyari sakanya. Lalo na yung hindi isang araw, buong araw siya natulog. Nakatingin lang ako sakanya, tinatanong ko ang sarili ko kung kailan siya gigising.

Mas lalo akong natakot ng malaman ko na sinabi ni Syrus, yung yōsei na tumulong sa amin ni Lileep. Sinabi niya na nanganganib ang buhay ni Dorothy. Hindi naman siya sigurado pero baka raw dahil ito sa enerhiya ni Selene.

Tao si Dorothy at yōsei si Selene. Baka may komplikasyon na nangyayari dahil nakakagamit siya ng magic. Like, she's using it lately kaya nagkakaganun ang katawan niya. Bawat ubo niya na may kasamang dugo ay natatakot na ako ng husto.

"Dorothy?! May masakit ba sa'yo?! Sabihin mo sa akin! Please!"

It makes me frustrated seeing her in pain... At wala man lang akong magawa. Hindi siya sumagot.

"Damn it."

Tinanggal ko ang hoodie ko at ipinatong sa balikat niya upang hindi makita ang pakpak niya. Kinarga ko siya sa likuran ko. Tumakbo na ako patungo sa shortcut patungo sa district three.

It's the shortcut that I used when I was younger. 

"Dorothy," sambit ko pero walang responde. "Please wake up," pakiusap ko at tinapik ang pisngi niya.

"G-G--Gising p-pa a-ak-ako," nahihirapan niyang sabi.

"Please, wag kang matulog, babalik tayo sa hotel. Please stay awake," sabi ko sakanya habang tumatakbo kami sa shortcut.

"Hmmmm."

I felt her tighten her embrace when I ran faster. Bakit ba parang mas humahaba ang shortcut ngayon?!

"Dorothy," sambit ko.

"Hmmm."

Natatakot ako... Baka bigla niya kaming iiwan. Ayokong pumikit siya.

"Stay with me," sabi ko.

"N-Nand-ito naman a-ako."

"Wag kang matulog," I commanded.

"I-Ina... Antok ako, G-Green."

Kinakabahan ako ng sinabi niyang inaantok siya. That's what they say when they are—stop... Hindi mawawala si Dorothy. Hindi.

"Stay awake! Wag kang matulog!" I shouted.

"G-Green," sambit niya.

"Yes, Dorothy? Malapit na tayo sa hotel. Wag kang matulog. Wag mo akong iwan dito."

Malapit na kami, nakakalahati na kami sa shortcut.

"Green."

"Malapit na tayo, konting tiis nalang."

Nanlalabo ang paningin ko, damn, this is not the right time to cry.

"K-Kung huling gabi k-k--ko na 'to."

"Shut up! This is not your last night, Dorothy!" inis kong bulyaw habang tumatakbo.

I hate talking about death. I will not let her die!

"Y-Yung f-favor ko," mahina niyang sabi.

Natigil ako sa pagtakbo dahil naramdaman kong may tumalsik sa leeg ko na mainit na likido. Is she still coughing blood?

"I-I'm sorry."

"Just don't close your eyes," sabi ko at tumakbo ulit.

"Green, yung favor k-ko."

Cat PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon