Chapter 28

11 2 0
                                    

Green

"Prinsipe Dominique, ito po ang mga papeles at documentaryo na kailangan niyo po na basahin," sabi ng taga pagsilbi at maingat na inilapag sa mesa ang isang tore ng papel.

"Ano ba ang ginagawa ni Kuya at ang dami ng babasahin ko? Prinsipe lang ako! Hindi ako ang hari! Damn it!"

"Pasensya na po mahal na prinsipe, ito kasi ang mga naiwan ni Prinsipe Ruthian. Sabi ni Haring Arcane na gusto niya na basahin mo ang sa tingin na dapat approbahan at hindi."

Napapikit nalang ako sa inis dahil sa paliwanag niya. I motioned him to leave the office. I stared at the paper like tower. Gusto kong suntukin ito pero ako rin naman ang mag-aayos sa kalat kung meron man. Damn it.

Napatingin ako sa labas. Binuksan ko ang bintana at sumalubong sa akin ang simoy ng hangin. Tumingin ako sa tanawin. Makikita mo ang tatlong kaharian mula rito, ang Virdigris, Opaline at Almandine. Napabuntong-hininga ako tuwing maalala ko ang mga nangyari noong kaarawan ni Lea. Kulang nalang patayin niya kaming magkakapatid dahil sa pagsira ng party niya. Tss.

Kahit limang taon na ang lumipas ay naalala ko pa rin ang lahat na nangyari. Parang kahapon lang ang nangyari. I can still remember how a few people fainted when they saw me and my siblings entered the hall. Uncle Cerulean turned pale when he met our eyes. Castle guards surrounded us, asking who we are while raising their swords. Tss.

"Do dare raise you sword against us, King Cerulean?" malamig na tanong ni Haring Rhodulfo.

"H-H--Hindi," he commanded the guards to lower their weapons.

Nakita ko kung paano manghina ang kanyang tuhod dahil sa presensya namin magkakapatid.

"A-A--Anong ginagawa niyo d-dito? P-Patay na kayo!"

"Pasensya na po kayo, Uncle, buhay pa kami," sagot ni Kuya Arcane.

"Correct me if I am wrong but the party is for everyone, right?" casual na sabi ni Prinsipe Castillian.

"O-Oo, para sa lahat."

I can see how beads of sweat are forming on Uncle's forehead. Inalalayan siya ni Aunty na naguguluhan sa nangyayari. Hindi niya alam na may malaking kasalanan ang asawa niya.

People at the party are confused, but most of them knew about us. I saw Crista smiling towards us, lalapit sana siya pero pinigilan siya ng kapatid niyang si Ruthian na nakahawak sa hawakan ng espada niya. Stupid. Tss.

Naglakad papalapit si Haring Rhodulfo patungo kay Uncle Cerulean kasama ang iba pang hari at reyna ng ibang kaharian habang nakasunod kaming magkakapatid kasama si Prinsipe Castillian.

"Um-upo muna k-kayo Haring Rhodulfo," alok ni Uncle Cerulean.

Umupo sa kanya-kanyang mesa ang ibang hari at reyna. Naiwan kaming nakatayo na magkakapatid kasama si Prinsipe Castillian.

"Hindi mo ba aalokin ang mga pamangkin mo, Haring Cerulean?" tanong ni Haring Versomo, hari ng Virdigris.

Napatingin si Uncle sa amin at kitang-kita kung paano siya natatakot.

"Kaya niyo naman maglakad, umupo na kayo sa bakanteng mesa," malamig na sabi ni Ruthian.

"Oh? What's with the coldness, Ruthian? Hindi ka ba natutuwa na makita kami?" tanong ni Ate Vivienne.

He gulped and just avoided my sister's gaze.

"Umupo na tayo, mukhang hindi komportable ang ating pinsan," yaya ni Ate Vivienne at sumang-ayon sila Kuya.

Cat PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon