Dorothy Kei
Iminulat ko ang mata ko at sumalubong sa akin ang kisame ng isang kubo. Agad akong napabangon at napatingin sa buong paligid.
"Gising ka na," sabi kaagad ni Lileep ng magtama ang paningin namin.
Nakaupo silang dalawa ng lalaki kanina at umiinom ng... Tsaa? Tea?
"Kamusta pakiramdam mo?" tanong ng lalaki sa akin. Yung lalaki kanina, yung humila sa akin.
Napakurap ako dahil sa tanong niya.
"May masakit ba sa'yo?" tanong ni Lileep na may bahid ng pag-aalala. Agad siyang lumapit sa akin, sumunod din yung lalaki. "Uy, Dorothy, magsalita ka naman."
Napakurap ako ng ilang beses dahil magkasing-laki pa rin kaming dalawa. Hinawakan ko ang mukha niya at nanlaki mata ko dahil totoo nga!
"H-Hoy Lileep, anong nangyari sa'yo?"
Napabuntong-hininga siya habang nakatingin sa akin.
"Teka, nasaan tayo?" tanong ko.
"Nasa kubo tayo ni Syrus. Mabuti nalang at naagapan niya ang nangyayari sa'yo."
Napatingin ako sa lalaking nangangalang Syrus. Napansin kong yung tenga niya ay katulad sa tenga nila Lileep. Fairy din kaya siya?
"F-F--Fairy po ba kayo?" tanong ko.
"Hai—este, oo, isa akong fairy katulad ni Lileep. Ako pala si Syrus," pagpapakilala niya.
"I'm Dorothy, Dorothy Kei," sabay abot ng kamay ko para makipagkamay sakanya at tinanggap din niya iyon.
"Teka, nasaan si Green?" tanong ko kay Lileep.
Ngumuso siya sa isang direksyon at nakita kong nandoon ang basket, nasa itaas ito ng upuan na gawa sa kahoy. Tumayo ako at naglakad papunta doon. Binuksan ko ang basket at mahimbing siyang natutulog.
"He's one of the long lost royalty of Sapphirine," sabi ni Syrus.
"K-Kilala mo si Green?" tanong ko at tiningnan siya.
"Hmmm, naikuwento siya sa akin noon ni Selene—"
"Hala!"
Nagkatinginan kaming tatlo ay natawa si Syrus.
"Hindi totoo yung malas na kapag binibigkas ang pangalan nila."
"Ah, hehehe, ganun po ba."
"Uminom ka muna ng tsaa," alok ni Syrus.
Tumango ako at umupo ako doon sa upuan. Umupo rin si Lileep sa isa pang upuan, the table is good for three persons. Napansin kong pabilog ang desinyo ng loob ng kubo. Inilapag ni Syrus ang tasa at nilagyan ng tsaa.
"Salamat," mahina kong sabi at uminom.
Binalot kami ng katahimikan. Sinulyapan ko si Lileep na tila problemado. Tiningnan ko si Syrus na parang hindi rin mapakali.
"May sasabihin ba kayo?"
Napaubo naman si Lileep at napaayos ng upo si Syrus.
"Ikinuwento ni Lileep sa akin ang tungkol sa sitwasyon ninyo nila... Green at sa mga kapatid niya. Ikinuwento niya rin ang tungkol sa kakayahan mo ng paggamit ng fairy magic na medyo, kakaiba," sabi ni Syrus at uminom din ng tsaa.
"Teka, may tanong ako."
"Ano 'yon?"
"Nasaan pakpak niyo? Bakit magkasing-laki tayo?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
Cat Prince
FantasiLegend says that there was a fairy named Solana, a fairy who is love by the sun. She has twin a sister named Selene, a fairy who is love by the moon and stars. The two of them love and took care of each other. But, one day, because of insecurities...