Dorothy Kei
I heard somebody crying, naririnig ko rin boses ni Mama.
"Kasalanan ko po ang nangyari. Kung hindi po sana ako sumama sa lalaking 'yon, hindi sana nasaktan si Dorothy."
"Wag mong sisihin ang sarili mo, Ariesa. Hindi matutuwa si Dorothy kapag nalaman niyang sinisisi mo sarili mo sa nangyari."
"Pero, Tita—"
"Ma," mahina kong sambit at iminulat ang mata ko.
Nakita ko silang dalawa, mukhang nasa pampublikong clinic ako, judging from the white colored walls and interior design. Dinala ako nila Mama dito noong 5th birthday ko dahil bigla akong inapoy ng lagnat ng gabing iyon.
"Ayos ka na ba, anak? Dumugo kanina ulo mo. Hinampas ka ng lalaki," nag-aalalang sabi ni Mama.
"Nasaan na sila?"
"Nandoon sa district hall ikinulong. Baka sa susunod na mga araw dalhin sila sa presinto doon sa palasyo."
"Kamusta ang pakiramdam mo? Masakit pa ba ulo mo?" tanong ni Ariesa, halatang galing siya umiyak dahil namumula ang gilid ng mata niya at ilong.
"Medyo pero ayos na ako. May kinuha ba sila sa'yo?" umiling lang siya.
"Anong oras na po, Ma?"
"Tanghali na ngayon. Gusto mo bang kumain? Nagdala ako ng pagkain," sabi niya at binuksan ang basket na dala.
"Sa bahay nalang ako kakain. Gusto ko na pong umuwi."
Inalalayan nila ako na tumayo. Kinausap pa ni Mama ang mga tauhan doon.
"Papalitan muna natin yung benda sa ulo niya," sabi ng Nurse na nakaduty.
Umupo ako sa upuan at sinimulan niya ang pagpalit ng bandage sa ulo ko. Pagkatapos ay umuwi na kami sa bahay. Kumain muna ako bago nagpahinga sa kwarto. Sinabi ko kay Mama na babyahe ako mamaya dahil klase bukas. Ayaw pa nga niyang pumayag dahil sa nangyari sa akin kanina pero wala naman akong ibang nararamdaman, e.
Walang masakit sa akin. Normal lang yung pakiramdam ko. Bandang alas kwatro ng hapon ay hinatid kami ni Papa sa pier at bumyahe na. Pinabaunan nila ako ng pagkain, ganun din si Ariesa. Medyo madilim na noong dumating kami sa district four.
"Ariesa," tawag ko sakanya.
"Bakit?" nag-aalala niyang tanong. "Masakit pa ba ang ulo mo?"
"Ayos lang ang ulo ko. Nagugutom ka ba? Bukas pa ang kainan nila Tita Mellym. Gusto mo bang sumama? May ihahatid kasi ako doon."
"Ayos lang ba?"
"Hmmm. Kanina ka pa tahimik. Baka gutom ka lang."
"I'm really sorry, Dorothy—"
"Hindi ikaw humampas sa akin, okay?"
"Hindi nga ako pero dahil sa akin—"
"Nobody is blaming you, Ariesa. Kalimutan mo na ang nangyari—"
"Nasaktan ka dahil sa akin! May benda ang ulo mo dahil sa akin!" at tuluyan na siyang umiyak.
"Stop crying. I'm fine. Ipapahinga ko lang 'to at magiging maayos na ako. Let's go."
I smiled at her and we walked our way towards Tita Melly's eatery. Konti nalang ang mga customer.
"Tita Melly!" tawag ko at tumuloy sa loob. "Tita, may ipinadala si Mama na isda para sa inyo," at inabot ko sakanya ang bag na nilagyan ni Mama.
"Salamat, Dorothy. Sabihin mo rin sa Mama mo na salamat. Teka, ano ba ang nangyari sa ulo mo?" sabay turo sa benda ko.
"What happened?!" tanong kaagad ni Merlin at hinawakan ang mukha ko, sinusuri niya ang benda ko. Galing siya sa may lababo, naghugas ng ilang pinagkainan.
BINABASA MO ANG
Cat Prince
FantasyLegend says that there was a fairy named Solana, a fairy who is love by the sun. She has twin a sister named Selene, a fairy who is love by the moon and stars. The two of them love and took care of each other. But, one day, because of insecurities...