Chapter 19

9 3 0
                                    

Dorothy Kei

"Dalawang ticket po," rinig kong sabi ni Green.

Nandito na kami ngayon sa estasyon ng tren. Mabuti nalang at nawala na ang pakpak ko habang tumatakbo siya kanina. Napalinga-linga ako sa paligid dahil sa takot at kaba.

Sino ba ang hindi matatakot sa mga lalaking 'yon? Ang higpit nga ng hawak nila noong hinila nila ako. Akala ko may mangyayaring masama sa amin dalawa ni Green. Abot langit ang kaba at takot ko kanina.

"Dorothy, let's go," sabi ni Green at hinila ako papasok sa loob ng tren.

Umupo kami sa isang upuan, hawak pa rin ni Green ang kamay ko. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako natakot ng husto.

Nakakagamit nga ako ng magic pero sa oras na 'yon, kinakabahan ako, sobra. Natatakot din ako, paano nalang kong nakuha nila ako?

Ang laki ng mga palakol na dala nila. Wala kaming kalaban-laban ni Green, tanging fairy magic lang ang gamit ko. Ayoko mag-isip ng mga negatibong bagay dahil natatakot ako. Ayokong mangyari ang mga iyon.

"Dorothy!"

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Tiningnan ko si Green, he looked so worried. Napakurap ako, may sinasabi ba siya?

"M-May sinabi ka ba?"

He sighed. Nanlaki mata ko dahil niyakap niya ako ng mahigpit.

"I'm sorry."

"H-Huh?"

"I'm sorry for bringing you to that place."

"W-Wala ka namang ginawa na masama."

Bahagya siyang lumayo at tiningnan ako ng seryoso.

"B-Bakit?" tanong ko.

He sighed again, this time he wrapped his arms around my shoulder.

"Matulog ka," sabi niya.

"P-Pero—"

"Kanina pa bumabyahe ang tren. Alam kong natatakot ka sa nangyari kanina."

Napaayos ako ng upo, sino ba ang hindi matatakot?

"You can lean on me."

Sinulyapan ko siya, hindi na ako umimik at sumandal ako sakanya. Pumikit ako para matulog pero dahil sa kaba na baka nasundan kami ng mga lalaking 'yon ay hindi ako mapakali.

"Hindi ka makatulog?" mahinang tanong ni Green.

"Baka nasundan tayo."

"Nasundan man o hindi, hindi ka nila magagalaw, Dorothy. As long as I'm here."

Sinulyapan ko siya, nakatitig siya sa akin.

"I'll protect you no matter what happens. If they will take you, they have to go through me first."

Hindi ko alam kung natutuwa ba ako dahil sa sinasabi ni Green. May konting parte ng kalooban ko na nakahinga ng maluwag dahil sa sinabi niya pero nag-aalala pa rin ako.

Pagdating namin sa district four ay gusto kong tumakbo kami pabalik sa hotel pero sinabi ni Green na wag akong mag-alala dahil kasama ko siya. Paano nalang kung biglang lilitaw ang mga lalaking 'yon at ipapalakol kami?!

Mabuti nalang at walang mga guro sa baba. Si Green ang kumatok sa kwarto namin. Pagbukas nun ay niyakap ko si Merlin ng mahigpit, hindi ko napansin na umiiyak na ako.

Naghahalo ang mga emosyon ko, kaba, takot, lahat. Natutulog na ang mga nakakabatang kapatid ni Green, sila Ariesa nalang ang gising pa.

"Hey, anong nangyari?" tanong ni Merlin.

Cat PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon