Chapter 23

7 3 0
                                    

Dorothy Kei

Hindi ako makatulog ng maayos dahil sa sinabi ni Green kagabi. Seryoso ba siya? May gusto siya sa akin? Impossible. Ano nagustuhan niya sa akin?

Hindi naman sa panget ako pero mas maganda yung mga princesa dahil mayaman. Tsaka, may dugong bughaw sila kaya walang problema at hindi ka pagtsitsismisan ng mga tao sa kaharian.

Baka nagkamali lang ako ng dinig. Pero, hinalikan niya ako kagabi... Dalawang beses pa nga—ahhhh!

Napailing nalang ako, nandito ako sa kwarto ngayon. Umalis sila Merlin at Ariesa. Sumama rin sakanila sina Lileep. Siguro pupunta sila sa district five. Kasama ko mga kapatid ni Green pero they are in their animal forms right now.

Nasa may paanan ko natutulog si Green yung mga nakakabata niyang kapatid ay naglalaro lang sa kabilang kama.

Gusto ko sanang sumama kina Merlin pero medyo inaantok pa nga ako. Kakagaling ko lang kumain ng tanghalian. Isusulat ko nalang yung report ko tungkol sa district three, four at five. Umupo ako sa upuan at kinuha ang papel at ballpen.

Habang nagsusulat ako ay lumapit ang mga nakakabatang kapatid ni Green sa akin at tiningnan nila ang isinusulat ko.

"Nagugutom ba kayo?" tanong ko.

Umiling naman sila. Pinakain sila ni Merlin bago sila umalis. Lumipas ang oras at hapon na, kakatapos ko lang din isulat yung report ko. Tumayo ako at umunat. Doon ko napansin na nakatulog yung mga kapatid ni Green sa mesa. Kanina pa sila nakamasid sa ginagawa ko.

Maingat ko silang kinarga at inilipat sa kama. Lalabas muna kaya ako? Nagpalit ako ng damit sa banyo. Kinuha ko jacket ko at itinali ang buhok ko. Lalabas na sana ako ng narinig ko si Green.

"Meow!"

Napatingin ako kay Green. Pinanliitan niya ako ng tingin.

"L-Labas muna ako saglit," paalam ko.

"Meow," at naglakad patungo sa basket.

Binuksan niya ang basket at tiningnan ako.

"Gusto mong sumama?" tanong ko.

"Meow," sabay tango.

"Mga kapatid mo?"

"Woof," napatingin ako sa Kuya ni Green. He raised his right paw, like saying na 'ayos lang, umalis na kayo.'

Hapon na at baka maabutan kami ni Green ng dilim sa labas nagdala nalang ako ng damit niya at umalis na kami. Naglalakad ako sa gilid ng daan at tinitingnan ang mga paninda nila.

May nakita akong bracelet na kulay itim ang beads nito tapos may isang bead na malaki kulay green, light green. Kasing-kulay ng mata ni Green.

"Excuse me po, magkano po 'tong bracelet?" tanong ko sa nagtitinda.

"300 silver coins, Miss."

Hala, ang mahal.

"Pero, ibibigay ko sa'yo ng 280 since, mukhang hindi ka taga rito," sabay kindat ni Ate na nagtitinda.

Hindi ko mapigilan ang ngiti ko. Binili ko ang bracelet at itinago ko sa bulsa ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad hindi ko namalayan na nasa district four na pala ako. Pumunta ako sa parke nila at umupo sa ilalim ng malaking puno, binuksan ko rin ang basket para makalabas si Green.

"Meow," he said and went out of the basket.

Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Kusang gumalaw ang kamay ko at hinaplos ang ulo niya. Tiningnan niya ako, agad kong inilayo kamay ko.

Cat PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon