Dorothy Kei
"Ouch!" reklamo ni Green.
Inapakan ko ang paa niya at tinulak siya palayo.
"Bakit ba kasi ang lapit-lapit mo? Bahala ka diyan! Matutulog na ako!"
Narinig kong tinawag niya ako pero hindi ko siya nilingon. Bakit ba kasi ginawa niya 'yon?! Argh! Sana hindi nalang ako nagtanong! Para akong tanga kanina! Inaasar niya lang ako pero nakakainis!
Mabilis akong naglakad patungo sa kwarto, napasinghap ako ng may humila sa akin mula sa likod.
"Ano ba?!" reklamo ko kay Green.
"Lower your voice. Baka magising mo mga schoolmates mo," he warned.
"Tss. Bitawan mo nga ako."
"I'm sorry," tinaasan ko siya ng kilay. Ano ba nakain nito? "Did I made you uncomfortable?"
Inirpan ko lang siya and he sighed.
"I'm sorry," sincero niyang sabi.
"Hmm," tumango lang ako.
"Matulog na tayo," and he opened the door.
Tanging lampshade lang ang nakabukas. May tatlong kama dito sa isang kama ay nandoon si Ariesa. Sa pangalawa ay nandoon si Merlin at sa pangatlo ang mga kapatid ni Green. Sila Lileep ay natutulog din sa unahan malapait sa ulo ni Merlin. Pumasok na kami at maingat niyang nilock ang pinto. Tumabi ako kay Merlin habang si Green ay tumabi sa mga kapatid niya.
Kinabukasan ay ginising ako ni Merlin. Naging hayop na ulit sila Green paggising ko. Kakalabas lang ni Ariesa sa banyo. Bumangon na ako para maligo, mabuti nalang at may mainit sila na tubig dito. Inaantok pa kasi ako.
"May lakad ba kayo? Saan niyo hahanapin ang kapatid ni Green?" tanong ni Merlin habang kumakain.
"Nagkita kami ni Kuya Dexter kagabi."
"Oh? Anong sabi niya? Ngayon ko lang naalala na dito siya nagtratrabaho."
"Sino si Dexter? Kapatid mo, Dorothy?" tanong ni Lileep habang kumakain din.
Nandito kaming lahat sa kwarto kumakain ng almusal. Nag-uusap kami nila Merlin tungkol sa mga plano ngayong araw.
"Hmmm, magkikita kami ulit mamayang gabi. Sabi niya may hamster daw na napulot ang anak ng amo niya."
"Teka, may possibilidad na iyon ang kapatid ni Green!" sbi kaagad ni Lileep.
"How sure are you?" tanong naman ni Lilian. "May possibilidad na hindi."
"Duh. Napulot last week. Tapos kailan nawala kapatid ni Green? Last week din!"
"Sabi ni Green na iyon daw ang kapatid niya. Mamaya natin malalaman ang lahat."
"Sasama ako!" sabi ni Lileep. "Para sigurado!"
"Kung papayag sila Lilian, Lileep," sabi ko.
Nagkatinginan silang tatlo.
"Payagan niyo na ako!"
"Pwede bang itali nalang natin siya, Lilac?" tanong ni Lilian.
"Pwede naman siguro na sasama siya. Nandiyan naman si Dorothy na makakagamit ng fairy magic. Tsaka, tao na mamaya si Green."
"Kita mo na?" sabi ni Lileep at inarapan ni Lilian.
"Fine. Basta, dapat pagbalik mo, nandiyan pa pakpak mo!"
"Nga pala, Dorothy. Nilibot mo ang buong district three, four at five kahapon, diba?" tanong ni Ariesa.
"Hmmm, nilibot ko. Bakit?"

BINABASA MO ANG
Cat Prince
FantastikLegend says that there was a fairy named Solana, a fairy who is love by the sun. She has twin a sister named Selene, a fairy who is love by the moon and stars. The two of them love and took care of each other. But, one day, because of insecurities...