Chapter 27

8 2 0
                                    

Green

Parang bumagsak ang langit dahil sa sinabi ni Merlin. Parang sirang plaka na paulit-ulit sa aking isipan. Hindi totoo ang sinabi niya.

She can't be gone...

Dorothy is not dead...

Parang nawala ang kulay ng mundo. Time seems like to slow down. Wala akong maririnig. Nakatingin lang ako kina Merlin na umiiyak at pinapatahan siya ni Ariesa. May stretcher din nadala ang mga membro ng GOEST na mula sa gubat. Tinatakpan ng tela ang kung sino man ang nakahiga sa stretcher na dala nila, may bahid ito ng dugo.

"Miss, kailangan niyo tumahan," sabi ng isang membro ng GOEST kay Merlin.

"Pakikuha ng tubig, please," utos ni Ariesa sa lalaking lumapit sakanila kanina.

Walang tigil ang pagbuhos ng luha ko. Ayokong tanggapin ang sinasabi ni Merlin. Hindi totoo 'yon. Dorothy is still alive. She can't die.

Kasalanan ko...

Kung sana hindi ako lumapit sakanya noong nakita ko siya sa district five.

But...

I'm desperate. She's the only one who can help me and my family. She is also the one who is destined to fight Solana. But, I can't help it.

She doesn't deserve this...

She doesn't deserve to be hurt like this.

"Green," napalingon ako sa nagsalita. It was Ariesa.

She motioned me to ride in the carriage. Magkaharap kami ni Merlin at namumugto na ang kanyang mga mata.

"Nasaan sila Lileep?" tanong ko. Ngayon ko lang napansin na wala sila.

"Sumama sila kina Archer. Nagtamo rin ng sugat si Lileep," sagot ni Ariesa.

Binalot kami ng katahimikan buong byahe. When we arrived at the hotel, inalalayan ko si Merlin. Pagdating namin sa hotel room ay sinalubong kami nila Ate ng tanong. Si Ariesa ang kumausap sa kanila.

"Merlin," sambit ko. "Be strong. She can't die like that. Dorothy is strong. Okay?"

"Paano kung totoo ang sinabi ko na wala na siya?" may luha na naman na lumalandas mula sa mata niya.

"Shhh... Baka nagkamali ka lang because of shock. Okay?"

Unting-unti siyang tumango. Humiga siya sa kama nila at nagpahinga. Tiningnan ko ang kambal at si Calli. It's great to see them back in their human forms, and we are not bind in a curse anymore.

"Dadating si Prinsipe Castillian."

Napakunot noo ko dahil sa sinabi niya.

"Sino ang may sabi?"

"Si Archer. Mukhang pupunta kayong magkakapatid sa Almandine dahil mas ligtas kayo doon."

Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Ariesa. Almandine? What?! Magkakapatid?

"Sabi ni Prinsipe Castillian may plano siya para tulungan kayong magkakapatid. He plans to take you and your siblings to Almandine. It's much safer there than here."

"Well, that would be a huge help," sabi ni Kuya. "Lalo na alam namin kung sino ang may pakana ng aksidente."

"Ano?! Paano kayo ni Merlin? Sila Lileep?! Si Dorothy?! We can't just leave—"

"Ako na bahala sakanila. The rest of you should be put into safety," sabi ni Ariesa.

"Hindi ako aalis—"

Cat PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon