Chapter 7

12 3 0
                                    

Dorothy Kei

Nagising ako ay nasa kama na ako, pakiramdam ko ang bigat ng katawan ko. I saw Green sitting near my feet with his eyes close, anong oras na ba? He is still in his hunan form.

"Green," sambit ko at tatapikin ko sana siya pero may tubig na biglang lumabas sa kamay ko, dahilan para mapatili ako.

"Shit, calm down, Dorothy!" sabi niya, mukhang nagising ko siya.

"A--A-Ano 'to? Ma-May tubig na lumalabas sa kamay ko! Look!"

Tumayo ako dahil ayokong mabasa ang kama ko. Parang gripo yung kamay ko, ayaw tumigil ng tubig sa kakalabas mula sa palad ko. Natataranta ako dahil sa kaba, ayaw talagang tumigil! Mas lalong lumakas yung pag-agos ng tubig!

"G-Green?!" naiiyak kong sambit, hindi ko alam anong nangyayari sa akin!

Bakit may tubig na lumalabas mula sa kamay ko?!

"Calm down, Dorothy! Naalala mo pa ba ang meditation mo? Calm down," sabi ni Green at hinawakan ang magkabila kong kamay.

Mas lalo akong naiyak dahil hindi ko alam kung paano ko simulan ang pagconcentrate. Nararamdaman kong basang-basa na ako dahil sa tubig.

"Shhhh, stop crying, Dorothy," sabi ni Green at pinupunasan ang mga luha ko.

"N-N--Natatakot ako," sabi ko habang umiiyak.

"Calm down—"

"Hindi ko alam kung paano—"

Nanlaki mata ko dahil naramdaman kong hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. Sa isang iglap ay naramdaman kong may nakalapat sa labi ko. Napakurap ako, a-ano ba ang nangyayari?

Pakiramdam ko limang segundo ang lumipas bago siya lumayo sa akin. Nakahawak pa rin siya sa mukha ko, seryoso siyang nakatingin sa akin. Nararamdaman ko ang pag-init ng pisngi ko.

H--H-Hinalikan niya ba ako?

Napalunok ako, walang gustong magsalita sa amin ni isa.

"Dorothy."

"B-Bakit?"

"You can get mad at me. But, olease calm down," seryoso niyang sabi. "Hindi ko alam kung anong nangyayari but make sure to make your mind clear always—shit!"

Biglang may pumalibot sakanya na itim na usok, ilang saglit ay nawala iyon, naging pusa na siya. Teka, ano ba ang nangyari?

"Meow!"

Napatingin ako sakanya, 5am na. Ang sama ng pakiramdam ko. Huminga ako ng malalim. Pinulot ko yung damit na sinuot niya at inilapag sa may upuan. Nagbihis ako, ang basa ng shorts ko. Kinarga ko si Green at humiga ulit sa kama.

"Natatakot ako, Green," bulong ko.

"Meoooow," sabi niya na parang nagbabanta.

"I know, I know. I'll clear my mind."

Hindi ko namalayan nakatulog ulit ako, nagising ako around lunch time. Medyo kinakabahan na ako pero ginawa ko ang lahat para kalmado lang ako. Green is not taking an eye off me. Nakasunod siya sa akin tuwing nasaan ako, except inside the toilet!

Paano ko ba 'to sasabihin kay Merlin?

Mababaliw na ata ako.

"Meooow!"

Nanlaki mata ko dahil may mga tubig na pumapatak mula sa kamay ko. Agad kong blinanko ang isipan ko. Huminga ako ng malalim ng ilang beses hanggang sa naramdaman kong kumalma na ako.

Cat PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon