Chapter 18

8 4 0
                                    

Dorothy Kei

"I can let you borrow some money."

Agad akong umiling at iwinigayway ang kamay sa harapan ko. Nakakahiya, 'no!

"Wag na! Naku, naku! Wag mo ng isipin 'yon, Archer!"

"I'm serious," seryoso niyang sabi habang nakatingin sa akin.

Ano ba 'to?!

Bakit ba kasi narinig pa ni Archer ang tungkol sa 50,000 gold?!

Kung hihiramin ko ang pera ni Archer for sure mabibili ko ang paboreal na kapatid ni Green. Pero, pakiramdam ko kailangan ko pa ng extra na pera dahil auction 'yon.

"She doesn't need it."

Napalingon kami sa nagsalita. Nakatayo sa harapan namin si Green. Pinanliitan niya ng mata si Archer.

"Gr--C-Cane! Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Hinihintay kita dito. Tara," he said and grabbed the plastic bag. He also grabbed my wrist pero napatigil kami dahil hinawakan din ni Archer ang kabila kong palapulsuhan.

"Hindi pa kami tapos mag-usap."

"We are going to eat dinner, so mind your own business," malamig na sabi ni Green habang tinitigan si Archer.

"No, you mind your own business. Hindi pa kami tapos mag-usap ni Dorothy," sabay hila niya sa akin patungo sakanya.

"She is coming with me, let go of her," hinila ako ni Green patungo sakanya.

"Hindi," hinila naman ako ni Archer.

"No," hinila naman ako ni Green.

"Ano ba?!" reklamo ko sakanila kaya binitawan nila ako. "Anong tingin niyo sa akin? Lubid? Tug of war?" reklamo ko.

"Let's go," malamig na sabi ni Green at hinila ako papasok sa hotel.

"I'll report you to the teachers," sabi ni Archer na ikinatigil namin. Nilingon namin siya, ang sama ng tingin ni Green sakanya.

"Want to get Dorothy in trouble?" tanong ni Green.

"Hindi ko alam kung ka anu-ano ka ni Dorothy—"

"Her mom trusted me with her. So, just back off."

Hindi na ako nakaimik dahil naalala ko noong nagpapirma ako ni Mama sa parent's consent ay kasama ko si Green.

"Sasama ba si Green sa'yo?" tanong ni Mama.

"Hmmm, dadalhin ko po, walang mag-aalaga sa kanya sa academy. Ayaw din niyang iiwan ko siya dito."

"Meowww."

"Green, bantayan mo si Dorothy doon, ah."

Nakatitig lang si Green sakanya at sinulyapan ako ng tingin.

"Meowww."

Goodness, ginagamit niya ba ang pinagusapan nila ni Mama?

Hindi na nakaimik si Archer. Kinaladkad ako ni Green patungo sa loob ng hotel. Huminto kami sa harapan ng kwarto namin. I heard him sighed.

"Did you told him?" tanong niya habang nakatalikod.

"Huh?"

Hinarap ako ni Green, he looked at me seriously. Ayaw niyang malaman ni Archer dahil member siya ng GOEST at wala siyang tiwala sa organisasyon na 'yon.

"Wala akong sinabi sakanya. Narinig niya lang na humiram ako kay Ate Delia."

"Delia?"

"Kapatid ko na nagtratrabaho dito. Nagkita kami kanina kaya nagbabasakali ako na makahiram pero ayaw niya. Narinig ni Archer ang tungkol sa 50,000 gold."

Cat PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon