Chapter 30

8 2 0
                                    

Green

Pagdating ko sa palasyo ay agad akong dumiretso sa dinning hall. Tinanong ko ang isa sa mga kawal na nandito kung nasaan si Kuya at ang mga bisita. Pagdating ko doon ay nagulat sila, Ate Vivienne smiled at me. Gabi na ng makarating ako sa Sapphirine.

"Magandang gabi, Prinsipe Dominique," bati ni Haring Rhodulfo.

"Magandang gabi rin po sa inyo mahal na hari."

Kasama niya ang kangyang asawa at tatlong anak na princesa, wala ang kanilang anak na principe. Wala rin si Crista, siguro bukas pa 'yon uuwi dito.

"Akala ko Kuya bukas ka pa uuwi," sabi ni George.

"Nagkita kayo ni Ate Dorothy?" tanong ni Calli.

"Hindi kami nagkita."

"Kumain ka muna, Dominique," sabi ni Kuya.

Umupo ako sa upuan ko, katabi ko si Giovanni at Kuya Arcane. Walang akong ganang kumain sa totoo lang. Tiningnan ko si Dahlia na pasulyap-sulyap sa akin.

"Saan ka pala galing, mahal na prinsipe?" tanong ng Reyna.

"Sa Helenka po, may hinahanap ako."

"Hmmm," sabay tango.

"Kuya," sambit ko kay Kuya Arcane at tiningnan niya ako habang kumakain. "Aalis ako bukas."

"May lakad ka na naman? Babalik ka sa Helenka?" tanong ni Ate Vivienne.

"Hahanapin ko si Dorothy sa Almandine. May importanteng bagay din akong aasikasuhin sa foreign affairs sa Almandine."

"Oh, si Princesa Dahlia ang nag-aasikaso niyan, mahal na prinsipe," napalingon ako sa ina ni Princesa Dahlia. "Pwede mo siya tanungin ng kahit ano tungkol diyan."

Tiningnan ko si Dahlia at ngumiti siya sa akin. A smile that is... Ewan ko ba, goodness, I really don't like this girl.

"May mga sulat kasi na ipinadala si Princesa Ariesa, isa sa mga pinsan ni Prinsipe Castillian, hindi ito dumating sa akin."

Nakita ko ang pagkawala ng ngiti sa mukha ni Princesa Dahlia. Nakita ko kung paano sila naguluhan dahil sa sinabi ko.

"Sulat? Hindi ko alam, I only check things that the people working in that area. Hmmm, bale, ang mga listahan  ng mga dumating na bagay o sulat lang ang tinitingnan ko," sagot niya at nagpatuloy sa pagkain.

"Sigurado ka bang naipadala ni Princesa Ariesa sa'yo, mahal na prinsipe?" tanong ng ate ni Dahlia na si Princesa Rhodora.

"Hmmm, nakausap ko mismo kanina ang inutusan nilang magdala sa sulat. Hindi kasi siya nakakapasok sa palasyo noon dahil ipinagbabawal kaya sa foreign affairs niya inihatid ang mga sulat," paliwanag ko.

"Sino?" tanong ni Kuya.

"Si Mino, isang GOEST member na representative sa Helenka."

"Anong pangalan ng nagpadala, mahal na prinsipe?" tanong ng reyna.

"Ariesa Levinry at Dorothy Kei."

"Dorothy Kei?" tanong ni Princesa Dahlia.

"May nakita kang sulat galing sakanya?" I asked.

Umiling lang siya bilang sagot.

"Baka hindi napadala ng membro ng GOEST, mahal na prinsipe," sabi ni Princesa Dahlia.

"Nakausap ko si Princesa Ariesa kanina at si Mino, naibigay niya ang sulat sa foreign affairs sa Almandine," sabi ko. "Hindi lang isa kung hindi sampung sulat ang naipadala nila."

Cat PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon