The sun is shining brightly. The streets are filled with people around town. Merchants are busy selling their goods to townspeople. A little girl is happily skipping through the streets of the busy town, looking around, figuring what to do.
"Isinumpa ni Solana ang mga anak ng hari at reyna," kuwento ng isang matandang lalaki sa mga batang kasing-edad niya.
Napatigil ang batang babae dahil sa kanyang narinig. Dahan-dahan siyang lumapit sa matanda na nagkukuwento.
"Naging hayop ang mga prinsipe at princesa. Ang unang prinsipe ay naging aso. Ang unang princesa ay naging ibon. Ang pangalawang prinsipe ay naging pusa," kuwento ng matanda. "Ang kambal na prinsipe ay naging chipmunk at ang bunsong princesa ay naging hamster."
"Hala, nakakatakot naman si Solana," komento ng isa sa mga batang babae.
"Naiinggit si Solana kay Selene."
"Mabait naman si Selene. Si Solana ay panget ang ugali niya."
"Anong nangyari sakanila pagkatapos, manong? Buhay pa ba sila?"
"Iyon ang problema, hijo. Walang may alam kung nasaan na sila ngayon. Ang sinabi nila ay namatay ng gabing iyon si Selene at naging isa sa mga bituin sa kalangitan tuwing gabi. Habang si Solana ay nasunog pagsapit ng umaga."
Napakunot ang noo ng marinig ang sinabi ng matandang lalaki.
"Sinungaling."
Napalingon sakanya ang lahat na nandoon. Kitang-kita sa mukha ng matanda at mga bata na nandoon na naguguluhan sila dahil sa sinabi ng batang babae na lumapit.
"Sino ang tinatawag mo na sinungaling?" tanong ng isa sa mga bata.
"Si manong," sagot ng bata. "Obviously he is lying. Solana wasn't burn to death. My mom and her friend stabbed her."
"Ano raw?" tanong ng bata sa kasamahan dhil hindi ito nakakaintindi ng ingles, wika ng mga dugong-bughaw.
Napaikot ang mata ng batang babae at ngumuso.
"Nagsisinungaling si manong. Si Solana? Nasunog? Bakit? Bakit niya? Wag kayong maniwala diyan."
"H-Hoy! Hoy bata! Sino ka ba para tawagin na sinungaling ako, huh?!" galit na tanong ng matanda dahil ito ay napahiya.
"Yes. Oo, ikaw ang sinungaling. Mama ko ang nakatalo kay Solana. Nagtulungan sila ng kaibigan niyang fairy para matalo ang sumpa nila Papa at Uncle."
"Mama raw niya ang nagpatay kay Solana, hahaha, pabibo!" pang-aasar ng isa sa mga bata.
"Mama mo ay isang killer! Dapat siya makulong! Masama siya!" hirit naman ng isang batang babae.
"Killer kaagad? She is destined to defeat Solana in the first place," sagot naman ng batang babae. "Pabibo? I'm telling the truth with no silly stories like him."
"Siguro bad ka dahil pinatay ng mama mo si Solana."
"Mas masama si Solana dahil isinumpa niya ang Papa ko. Duh. Gamitin mo nga utak mo. Wanted naman si Solana. My mother helped my father and his family. Tss."
Tinatawanan lang nila ang batang babae dahil sa pinagsasabi nito. Napaikot nalang ng mata ang bata dahil sa reaction na kanyang natanggap mula sa nga kasing-edad niya.
"Naku, gusto mo rin ba maging storyteller? Dapat maging malaki ka muna," kantyaw ng isa sa mga bata.
"Kung magiging storyteller ka, dapat nasa 50 edad mo katulad ni Manong."
"Duh, why would I? I'm just stating facts. Tinatama ko lang ang kamalian ni manong, you girls and boys should be thankful to me dahil tinatama ko ang mali niya."
![](https://img.wattpad.com/cover/261355624-288-k815881.jpg)
BINABASA MO ANG
Cat Prince
FantasyLegend says that there was a fairy named Solana, a fairy who is love by the sun. She has twin a sister named Selene, a fairy who is love by the moon and stars. The two of them love and took care of each other. But, one day, because of insecurities...