Chapter 6

11 3 0
                                    

Dorothy Kei

"Pinagloloko mo ba ako?! Lumabas ka! Paano ka nakapasok dito?! Magnakakaw ka ba?!" tanong ko sa lalaking nakaupo sa kama ko.

"I'm not joking around. Nandito ako sa loob ng kwarto mo dahil ako si Green. I'm not going anywhere, tss."

Napakunot noo ko, nababaliw na ata ako. Naging tao si Green! Malala na ata ang pinsala na natamo ng ulo ko!

"Umalis ka! Hindi ikaw si Green! Pusa si Green! Pusa!" sabi ko at binato ng libro but he just catched it.

"To be honest you look really stupid right now, Dorothy," komento niya.

Napanganga ako dahil sa sinabi niya. Pa--P-Paano niya ako nakilala?!

"How do I know you? Simple, it's because I started living with you three weeks ago," sabi niya na tila nababasa ang isipan ko.

Napalunok ako at umayos ng upo. Totoo ba ang sinasabi niya? Pero, paano?! Normal lang na pusa si Green—fudge! Ano ba ang nangyayari?!

"Do you want me to prove I'm Green?"

Napakurap lang ako dahil sa tanong niya. Siya ba talaga si Green? Paano siya naging tao? Ugh! Sumasakit ulo ko habang nag-iisip!

"Muntik mo na akong tinapon sa bintana ng apartment mong parang basurahan."

Napanganga ako dahil sa sinabi niya. Grabe, basurahan talaga, huh?!

"Tinapon mo yung isda making me leave your small room. But, tinanggap mo ako dahil binabato ako ng mga tao because of my damn color. People throw rocks at me believing I'm bad luck."

Binabato nga si Green dahil sa kulay niya, malas daw ang mga itim na pusa.

"You even tried to name me Patricia, Esmeralda, Ezperanza! May Balthazar at Ferdinand pa, what kind of names are you thinking? Tss," reklamo niya. "Mas maayos pa ang takbo ng utak ni Merlin kaysa sa'yo. But, I like the name you gave me because of my eyes," he ranted.

Napakurap ako dahil sa sinabi niya. Totoo ba 'to? Tanging ako, si Merlin at Green ang nandoon noong nag-iisip kami ng pangalan para kay Green.

"Ano pa ba? Ah, you just slice your hand a lot of times because of stupidity."

"H-H--Hoy!" saway ko sakanya.

Grabe naman siya, ilang beses niya ba akong tinawag na stupid?! Ilang beses niya ipinamukha sa akin ang katangahan ko?!

"I'm telling the truth. I saw how you slice your own palm and because you did not understand what I have been saying in the past, pinagpatuloy mo ang paghiwa sa sarili mo," he said in a for-your-information-tone.

"Sino ka ba talaga, huh?!" inis kong sabi and he just rolled his eyes.

"I told you, I'm Green. Green the black cat."

Hindi pa rin ako naniniwala! Ang hirap paniwalaan!

"Hindi. Tao ka, paano ka nakapasok?"

"Tss. Hindi ka na nakakaintindi? Sabi ko, ako si Green! Bakit ba ang hirap mo kausap?" problemado niyang tanong.

"Pusa nga si Green!"

"Then look for Green right now," inis niyang sabi.

"Baka inupuan mo! Baka napatay mo na!" sabi ko sabay tayo at nilapitan siya.

Kahit konti lang ang panahon na pinagsamahan namin ni Green, ayokong mamatay

"Why would I kill myself? I'm not that stupid."

Cat PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon