Chapter 21

11 3 0
                                    

Dorothy Kei

May naririnig akong umiiyak. Ang bigat ng mga takipmata ko, sinubukan kong iminulat ng dahan-dahan. Sumalubong sa akin ang kisame. Sino ba ang umiiyak?

Ano ba ang nangyayari? Ang bigat ng ulo ko, parang may ipinatong na ilang kilos dahil sa bigat.

"M-Merlin," sambit ko.

"She's awake!" rinig kong sabi ni Ariesa. Nakita ko siya sa may kanan.
"Gusto mo bang bumangon?" tumango ako at tinulungan niya akong bumangon.

Anong oras na ba? Bakit tao pa rin sila Green? Inikot ko ang paningin ko sa buong paligid.

"Anong oras na ba? Bakit tao pa rin kayo, Green?" tanong ko.

"Natulog ka buong araw, Dorothy," sagot ni Lileep at lumipad palapit sa akin, sumunod naman sila Lilian na halatang nag-aalala.

Napanganga ako sa sinabi niya. Tiningnan ko sila Merlin at Ariesa. Baka nagbibiro lang si Lileep pero hindi. Napakurap lang ako at tiningnan sila. Lumapit si Merlin sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Mukhang kanina pa siya umiiyak.

"H-H--Hoy, kanina ka pa ba umiiyak?" tanong ko sakanya at sinubukan kong tingnan siya.

Napailing nalang ako ng makita kong namumugto yung mata ni Merlin dahil sa kaiiyak niya.

"Wag ka na ngang umiyak," saway ko sakanya.

"She's very worried—no, all of us are very worried about you, Dorothy," sabi ni Ariesa at niyakap din niya ako. Naramdaman ko ang pagsinghot niya.

"May masakit ba sa'yo, Dorothy?" tanong ni Green at lapit sa amin. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya.

Lumayo rin sila Ariesa at tiningnan ako ng mabuti.

"Medyo mabigat lang ang ulo ko," sagot ko.

"You should eat," sabi ni Merlin at tumayo.

May kinuha siya sa mesa, pagkain pala. Habang kumakain ako ay nakatingin lang sila akin.

"Ano ba, wag niyo nga akong tingnan," saway ko sakanila.

Agad naman nilang iniwas ang tingin nila. Natutulog na ang mga nakakabtang kapatid ni Green sa kabilang kama. Napansin kong natutulog sa sahig ang aso na kapatid ni Green. Tatayo sana ako pero pinigilan ako ni Merlin.

"Saan ka pupunta?" agad niyang tanong.

"Gagamitin ko ang magic para sa kapatid ni Green—"

"My brother can wait, your health is more important," sabi ni Green at umupo sa may paanan ng kama.

"Pero—"

"Dorothy, umuubo at sumusuka ka na nga ng dugo, pwede ba? Wag ka muna gumamit ng magic," saway ni Merlin.

"Pe—"

"Walang pero pero, our brother can wait, Dorothy," sabi ng Ate ni Green.

Napanguso nalang ako at tumango. Pagkatapos kung kumain ay inalalayan ako ni Merlin at Green patungo sa banyo dahil gusto ko magcr. Hinintay naman nila ako sa labas.

"Mabuti nalang at hindi malala ang nangyari sa'yo, Dorothy," sabi ni Lileep.

"Ewan ko nalang anong mangyari kay Dorothy kung malala nangyari sakanya," sabi ni Lilac.

"Bakit? Malala ba ang nangyari?" tanong ko.

"Gosh! Kailangan mo pa ba 'yan itanong?! Dorothy, you are coughing blood!" sabi ni Merlin habang naiiyak.

Agad naman siyang pinatahan ni Ariesa.

"Sorry, Merlin," sabi ko at hinawakan kamay niya.

"Ang tigas kasi ng ulo mo! Sabi ni Green wag kang sumunod!"

Cat PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon