Chapter 20

11 3 0
                                    

Dorothy Kei

"Sigurado ka, Lileep?!" natataranta kong tanong.

"Oo nga! Ramdam na ramdam ko ang sumpa noong lumapit tayo sakanya kanina!"

"Paano na? Tinaboy tayo ng lalaki kanina."

"Maybe we can comeback tomorrow," sabi ni Archer.

Bago pa ako makapagsalita ay bumuhos ang malakas na ulan. Napatili kami ni Lileep, agad ko siyang pinapasok sa loob ng basket. Napatingin ako kay Arcer dahil hinubad niya ang kanyang polo at ginawang itinakip niya sa aming uluhan para hindi kami mabasa.

"Let's go!" sabi ni Archer.

Tumango ako at tumakbo na kami palayo. Nakabalik kami sa sentro ng district five. Nakapagdesisyon kami na bumalik sa hotel. Mabagal lang ang byahe ng tren dahil sa ulan. Pagdating namin sa district three at tumila na ang ulan.

"Sa district five?" tanong ni Merlin.

"Hmmm, nandoon pero hindi kami pwede bumalik ngayon dahil umuulan. Tapos, galit ata yung isang trabahador doon," sagot ko.

"Paano niyo makukuha ang kapatid ni Green?" tanong ni Ariesa.

"We can go back tomorrow and lie to them that we lost something near the mine. Para payagan nila tayo na bumalik," sagot ni Archer.

"Pwede rin."

"How stupid that plan is."

Napatili kami nila Lileep dahil sa biglang pagsalita ni Green. Binato ko siya ng kumot. Tinakpan ko ang mata ko na nakapikit gamit ang palad ko.

"Magbihis na kayo," sabi ni Ariesa.

"Nandiyan mga damit niyo sa kama," sabi naman ni Merlin.

"Meron ba akong pwedeng maisuot?"

Napalingon ako sa nagsalita. Nanlaki ang mata ko dahil sa nakita ko. Isang babae na halos kaedad siguro ni Ate Delia ang nakatayo sa gilid ng kama nila Green. Nakabalot sa katawan niya ang kumot na ibinato ni Merlin kanina. Napansin kong wala ang paboreal sa loob ng kulungan.

"Ate Vivienne!" sambit ni George.

"H-Heto po, mahal na princesa," sabi kaagad ni Merlin at inabot sakanya ang extra na damit niya.

"Salamat."

Tinalikuran namin siya para makapagbihis siya ng maayos.

"Tapos na," rinig namin na sabi niya.

Tiningnan ko siya, magkasing kulay sila ng buhok ni Calli. Magkaparehas sila ng kulay ng mata ng kambal.

"Ate," sambit ni Green at niyakap ang kapatid.

Sumunod sila George at Giovanni, pati si Calli sa pagyakap sa Ate nila. Hindi kami umimik dahil ayaw namin sila madisturbo, they are crying. Imagine, 13 years, nahiwalay ka sa pamilya mo at wala kang alam kung buhay o patay na ba sila. Nakakatuwang makita na nagkita na sila ngayon.

After they fixed themselves ay agad namin sila inasikaso para kumain. Sumabay na rin sila Lileep sakanila. .

"Kumain na kayo," sabi ko sakanila.

"Salamat, Miss," sabi ng Ate ni Green.

Tumango sila magkakapatid at kumain na. Nagpaalam muna si Archer na kakain sa room nila. Kumain na rin kami nila Merlin. Napansin kong tahimik lang na nakatingin si Green sa labas.

"Hey," nilingon niya ako. "Hindi ka ba kakain?"

"Hindi," sabay tayo at tumungo sa cabinet.

Binuksan niya ang cabinet at may kinuha sa loob. He grabbed a black jacket and wear it.

Cat PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon