Chapter 3

13 2 0
                                    

Dorothy Kei

Its been a week since Green started living with me. Hindi naman ganun kasama. Gaya ng sabi ni Merlin, matalinong pusa si Green. Isang sabi mo lang sakanya ay maiintindihan niya. Tsaka, tuwing umaga kapag may klase ay hinahatid ko siya sa kainan nila Merlin.

Tuwang-tuwa naman si Tita Melly dahil magandang pusa si Green. Kapag nasa kainan si Green ay nandoon lang siya sa taas matutulog at kapag kakain siya ay doon lang siya sa taas ni Tita Melly pinapakain. Mas marami ata ang customers nila ngayon.

Hindi kaya swerte ang itim na pusa?

May isang beses na hinalo ko yung kanin at ulam para kay Green sa apartment ay hindi niya 'yon kinain, ang ingay nga niya. Parang nagrereklamo siya kaya binigyan ko siya ulit ng pagkain pero hindi ko na hinalo ang kanin at ulam, ayon, kumain siya. Ang arte, psh.

Pero, malinis siya na pusa. Kapag dudumi siya lumalabas siya ng apartment o hindi kaya ay papasok siya sa banyo. Tapos lilinisin niya ang mga paa niya bago matulog sa kama ko. Nasa may paanan ko siya palagi natutulog.

Binilihan ko rin siya ng lalagyan ng pagkain at tubig sa apartment. Hindi naman masakit sa bulsa kaya ayos lang.

"Kamusta na kaya si Ariesa?" tanong ko.

"Si Ariesa?" tanong ni Merlin.

Naglalakad kami patungo sa classroom namin ngayon.

"Wala kasi akong naririnig na balita mula sakanya."

"Pakiramdam ko anak mayaman 'yon. Sa balat pa lang, kahit nakabalabal siya, makikita mong anak siya ng mayaman."

"Ayos lang kaya siya?"

"Alam mo ba kung taga saang district siya?"

"Sinabi niya district one."

"Wow," komento ni Merlin. "Sobrang yaman niya para doon siya tumira."

"Sobra."

Halos lahat ng nakatira sa district one ay mayaman. No, not halos, sila talagang lahat. May mga malalaki silang negosyo o may dugong bughaw sila. District one is located near the palace area habang ang district five ay malayo sa palasyo.

I'm wondering kung kamusta si Ariesa.

Mabilis lang lumipas ang mga araw. Nasasanay na rin ako sa presensya ni Green. Minsan ay inaaway ko siya dahil naiinis ako. Masyado siyang maarte, lalo na sa pagkain. Maingay at nagrereklamo siya kapag hindi bago tubig ang nasa lalagyan niya. Nagmumukha tuloy akong katulong niya. Tss.

Pero, seeing Green na naghihintay sa kainan tuwing umuuwi, nakakawala ng pagod ko. Kapag uuwi na kami sa apartment ay sinasabayan niya akong maglakad. Pagdating namin sa apattment ay didiretso siya sa banyo para linisin ang paa niya at matulog sa paanan ng kama ko.

Sabi ni Merlin baka dumaan sa training si Green noon dahil matalino siya na pusa. Well, siguro. Pero, sino naman ang mahilig mag-alaga ng pusa sa district five? Halos nga alaga ng tao doon ay aso. Ugh, nevermind. It's not like may nagmamay-ari kay Green. Kasi, kung meron, hindi 'yan sasama sa akin. Tss.

Medyo nagugutom ako, bumangon ako at binuksan yung basket ko. Magluluto ako ng noodles. Naramdaman kong may parang bumabangga sa binti ko. I saw Green rubbing himself towards my leg.

"Nagugutom ka ba, Green? Nagluluto ako ng noodles."

Hinihiwa ko yung sangkap. Nabitawan at napatili ako sa sakit dahil aksidente kong nahiwa ang daliri ko! Shit!

"Shit, ang daming dugo!"

"Meow..."

"Tumabi ka muna, Green," kalmado kong sabi at pumunta sa banyo.

Cat PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon