Chapter 12

7 2 0
                                    

Dorothy Kei

"Saan ba kayo galing, huh?!" nag-aalalang tanong ni Merlin.

"Are you sure you don't need anything, Dorothy? I can grab some food for you at the cafeteria," alok ni Archer.

"May sakit ba sa'yo, Dorothy?" nag-aalalang tanong ni Ariesa.

Nandito kaming apat sa harapan ng dorm. Pagkataos kong sumuka ay dumating sila Ariesa. Hinahanap nila ako sa bayan kanina. Karga ko si Green ngayon.

"Bilhan mo rin si Green ng pagkain kung pupunta ka sa cafeteria, Archer," sabi ni Ariesa.

"Sasama ako sa pagbili ng pagkain. Magpahinga kayo ni Green sa kwarto," sabi ni Merlin at sumenyas tungkol sa oras.

"May cat food ba sa cafeteria—"

"Meowwww!" Green complained.

Nagkatinginan sila ni Archer.

"Ano, sumama ang pakiramdam ni Green noong cat food. Alam ni Merlin ano ang paborito ni Green," sabi ko naman.

"Ariesa, samahan mo muna si Dorothy. Ayos lang ba?" tanong ni Merlin.

"Of course, may pag-uusapan din kami."

Pagkapasok namin sa kwarto ay tumalon si Green at dumiretso sa banyo. Cleaning his feet, Ariesa shut the door.

"Dorothy," sambit niya.

"Kamusta pakiramdam mo? Nahimatay ka kagabi," sabi ko sakanya.

Umupo kami sa may paanan ng kama ko. Huminga ng malalim si Ariesa bago nagsalita.

"S-Sino yung lalaki na nandito sa kwarto mo kagabi? As far as I know walang ganun na mukha na nag-aaral dito sa academy," naguguluhan niyang tanong.

"Ang hirap talaga ipaliwanag, Ariesa."

"Pero, familiar ang mukha niya. Hindi ko lang matandaan kung saan ko nakita ang mukha na 'yon."

"Meow," napalingon kami kay Green, tumalon siya papunta sa kama at humiga sa may gitna.

"Dorothy," sambit ni Ariesa.

"Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa'yo na ang lalaki na 'yon ay si Green?"

"What?! What are you talking about?! Si Green? But, Green is a cat!"

"Nagiging tao siya pagsapit ng alas otso ng gabi hanggang alas singko ng umaga."

Napailing si Ariesa at tiningnan si Green.

"No way! Seryoso ka ba? Are you serious?!"

Tiningnan ko ang orasan na nasa bedside table ko. Three minutes untill 8pm.

"You can wait and see it for yourself, Ariesa."

Confusion is written all over her face.

"Seryoso?"

"Kahit ako noong una, akala ko nanaginip ako pero totoo talaga. Nagiging tao siya."

"A-Alam ba ni Merlin?"

"Hmmm, alam ni Merlin."

"Bakit nagiging tao siya? May magic siya?"

Magsasalita sana ako pero napatili si Ariesa habang nakatingin kay Green at tinakpan ang mata. Agad akong tumayo at binato kay Green ang damit niya habang nakapikit.

"Isinumpa ako, mahal na princesa," casual na sabi ni Green. "You can open your eyes now."

Pagkatapos bitawan ni Green ang salitang iyon ay sinamaan ko siya ng tingin. He just smirked while fixing his hair. Nakanganga si Aries habang nakatitig kay Green.

Cat PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon