Dorothy Kei
Napalunok ako dahil sa kaba at takot. Ano nalang ang sasabihin ko?! Paano na?! Iniiwasan ko ang titig ng guro dahil ang talim nito. Parang sinasaksak ako ng mga titig niya!
Tulong!
"Inihatid ko lang siya dito, Ma'am. Nawawala kasi siya," sabi ni Green.
Napatingin ako sakanya at diretso niyang tinitigan ang guro na nagtanong sa akin. Napahinga naman ng maluwag ang guro.
"Ganun ba, pasensya na hijo. Hindi ko alam. Salamat sa paghatid ng estudyante ko dito," sabi ng guro at sinenyasan akong pumunta na sa room namin.
Tiningnan ko si Green, nagdadalawang-isip akong iwan siya dito. Tinanguan niya ako, pahiwatig na umuna ako. Dala ko ang pagkain para kay Calli. Napabuntong-hininga ako bago siya iniwan doon. Tumakbo ako patungo sa room namin.
"Nasaan si Green?" tanong ni Merlin ng pumasok na ako.
Napabuntong-hininga ako. Inilapag ko ang pagkain sa mesa. Nakatitig sa akin si Calli, sumenyas ako sakanya na kumain na siya.
"May nangyari ba?" nag-aalalang tanong ni Lileep.
"Nahuli kasi kami ng adviser sa kabilang section."
Narinig ko ang pagsinghap nila. Nagkatinginan ang kambal.
"Anong gagawin natin?" tanong ni Lilac.
Napalingon kami sa direction ng pinto dahil may kumakatok. Agad tumago ang kambal sa ilalim ng kama at si Calli ay nagtalukbong ng kumot habang dala ang supot na may pagkain. Sila Lileep ay nagtago sa vase na nasa mesa.
"Ako na," sabi ni Ariesa at naglakad patungo sa pinto.
Binuksan niya iyon at nakahinga ako ng maluwag ng makita si Green ang tao na pumasok. Lumapit siya sa amin, niyakap siya ni Calli.
"Saan ka dumaan?" tanong ko kaagad.
"Sa pinto," casual niyang sagot.
"Umayos ka nga," saway ko sakanya.
"Umakyat ako sa balkonahe—"
"Nag-iisip ka ba?! Nasa third floor ang balkonahe! Paano nalang kung nahulog ka?!"
"May malaking puno naman sa malapit kaya nakaakyat ako. Also, the teacher didn't left after you left the lobby. Tss," sagot niya at umupo sa paanan ng kama nila. "Also, nasanay na na ako, I've been a cat for years."
"Paano kung nahulog ka at nabali buto mo?!"
He chuckled.
"Pwede mo naman ako gamutin."
Napailing nalang ako sa sagot niya. Umupo ako sa upuan at nagpahinga. Kumakain si Calli at sinusuklay ni Ariesa ang buhok nito.
"Wala bang tinanong sa'yo ang guro sa kabilang section?" tanong ni Merlin.
"Wala. Tinitigan niya lang ako kaya lumabas ako, baka mahalata niya ang mata ko," sabi niya habang inaayos ang kanyang buhok.
"Mabuti naman kung ganun," sabi ni Ariesa.
"Daming nangyari sa araw na 'to," sabi ko.
"For sure pagod ka, Dorothy. Magbihis ka na para matulog," sabi ni Merlin.
"Mamaya na."
"Maaga tayo aalis bukas," sabi ni Ariesa.
"Huh?"
"Dorothy, baka nakalimutan mong babyahe tayo sa iba pang kaharian," sabi ni Lileep.
Napappikit ako at naiapiling. Ngayon ko lang naalala na dalawang hanggang tatlong araw lang kami dito. Argh!
BINABASA MO ANG
Cat Prince
FantasyLegend says that there was a fairy named Solana, a fairy who is love by the sun. She has twin a sister named Selene, a fairy who is love by the moon and stars. The two of them love and took care of each other. But, one day, because of insecurities...