Chapter 1

103 6 0
                                        

Chapter 1: Check In

-YSLA ALONZAGA-

"Ang bagal. Ang bagal." Puna ko sa kaibigan ko na kanina pa nakaupo sa tapat ng vanity mirror habang nagaayos sa sarili. "Usapan natin 7 ng umaga, Aloha. Anyare noe?"

"Alam mo chill. Wait ka lang. Matatapos na din ako." Pagdadahilan nya na almost ten times ko na atang narinig mula kanina pa.

Ang usapan namin 7 dapat nakahanda na. Tapos 7 pa pala gising nya.

"Ganto kasi. Para di ka mainip. Bumaba ka muna sa kusina tapos kumain ka don." Sabi nya habang naglalagay ng contact lenses sa mata.

Hindi ko napigilan ang mapairap na lang bago maupo sa kama nya.

"Baliw. Andun si Kun." -Ako.

"Ano naman? Si Kuya lang naman 'yon e." Deretso pa rin sa pagaayos ng sariling sabi ni Aloha. Pero lalo lang umikot ang mata ko dahil sa sinabi nya.

"Yoko noe. Kuya mo tahimik lang pero pag tuwing binubuksan ko ref nyo o may nagagalaw akong pagkain 'Hey Ysla! Not my food.' 'Hey Ysla! That's my coke, put that down!' ang laging sigaw sa akin."

Isang beses nang sinabi sa akin ni Aloha na kumuha ako ng pizza sa ref at dalhin 'yon sa salas kasi kakainin namin. Nagwala talaga si Kun nang makitang naubos namin yon.

Haler, apat na slice na lang kaya 'yon. Atsaka para pizza lang. Nagagalit talaga?

"Alam mo ewan ko dyan kay kuya kung bakit ganyan yan." Sabi nito na para bang pinagkakaila ang sariling kapatid. "Bahala sya. Bilisan na lang natin at tara na't umalis." Tataas taas ang kilay na sabi nito sa akin.

Sabay kaming lumabas ni Aloha sa kwarto nya at nang makababa kami ay nakita ko sa salas ang kuya n'yang natutolog habang nakaplay ang Mr. Bean sa TV.

Kinulbit ni Aloha ang kapatid bago magsalita.

"Hoy kuya, dyan ka na naman nakatulog. Umakyat ka nga dun sa kwarto mo." Sita nito bago kami magdere-deretso sa labas.

Agad akong napapikit nang biglang tumama ang mataas na araw sa mata ko.

"Vhounacc ka kasi. Sabi ko agahan natin. 'Yan inabutan na tayo ng araw baluga ka. Pabagal bagal ka kasi." Yamot kong sabi kay Aloha bago sya sanggiin sa balikat.

"Easy!"

"Bahala ka."

Nagtaray pa ako bago kami makalabas ni Aloha ng village. Hindi kami humiram ng sasakyan kasi una, walang sasakyan sa bahay namin, sila Aloha lang meron. Pangalwa, meron nga silang kotse pero hindi pinapayagan si Aloha ng dalawa nyang kapatid na magdrive ng kotse.

Kaya byahe kami ni Aloha pag gumagala. Kasi hindi kami prinsesa para magpahatid-sundo sa dalawa n'yang kapatid.

So ayun nga, nagbalak lang kami ni Aloha magbonding ngayong maghapon dahil kakatapos lang ng exam at pressured na pressured pa kami sa ginawa this week.

Tamang pahangin lang kasi hindi na din makahinga sa school works. Sana feel nyo kami.

Sinamahan ko muna si Aloha magpagupit kasi sabi nya nabibigatan na daw sya sa buhok n'ya kaya pababawasan na raw nya. Sus, ang sabihin mo magubat na talaga ulo mo kaya ka magpapagupit.

Go With The FlowWhere stories live. Discover now