Chapter 4

26 3 6
                                    

Chapter 4: Two Weird Dude

—YSLA ALONZAGA—

"Bye Daddy." -Ako.

"Mamaya pala anak, dumaan ka sa cafe paguwi mo galing school, tapos bumili ka ng cake. Magdinner tayo mamaya." -Daddy.

"Oh?! Dinner?!" -Ako.

"Sinabi ko na kay Mommy mo. Sa bahay tayo magd-dinner." -Daddy.

"Anong cake?" -Ako.

"It's up to you. Ikaw na bahala pumili." Sabi ni Daddy dahilan para mangiti ako.

"Okay, no problem." Sagot ko dito.

"And, isama mo din si Aloha. Since lagi ka n'yang isinasama sa family dinner nila." Dagdag pa ni Daddy kaya't nag okay sign ako gamit ang kamay ko.

"Yup, no probs." -Ako.

Ngumiti ako kay Daddy bago kumaway hanggang sa makalayo na ang kotse n'ya.

Ilang dipa na lang ang layo ko sa school gate nang maisipan kong ilabas ang paper bag na nasa loob ng bag ko. Sumilip din ako sa wrist watch ko at nakitang maaga pa naman.

Hindi ko maiwasan ang mapabuntong hininga bago umiling ng ilang beses at pumara ng taxi.

。。。

"Mawalang galang na po pero hindi ko matatanggap 'yan." Pagak kong sabi bago tahimik na iabot ang paper bag sa kan'ya.

Oo, ibinalik ko sa kapatid ni Aloha 'yung mga dinala n'ya sa bahay namin noong isang araw.

Wala akong ginalaw don at wala akong ginamit don.

"And why?" Natatawang tanong nito dahilan para maikunot ko ang aking noo.

"Dahil hindi ko ho matatanggap 'yan. Wala naman hong dahilan para tumanggap ako ng ganitong mga gamit galing sa inyo. And it's not like I ask for gifts. Kaibigan lang ako ng kapatid n'yo." Sagot ko dito. "'Yun lang, aalis na 'ko."

"Wait." Nakangiti paring sabi nito.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang actions at way ng pagsasalita ko sa kapatid ni Aloha pero hindi okay sa'kin 'yung binigay n'ya.

Lalo't higit na parang nangaasar pa ito sa akin ngayon.

Parang may gusto s'yang ipahiwatig kaya n'ya ibinigay sa'kin 'yung mga 'yon e.

"Ano pa pong kailangan n'yo?" -Ako.

"I know kilala mo na ako. But I'm Kahuna, Khan for short. I'm just 4 or 5 years ahead of you guys. And if you're assuming na college student pa ako, maaga akong naggraduate and I—"

"Excuse me, wala po akong sinasabing magkwento kayo." -Ako.

Bigla na lang tumahimik ang atmosphere sa table namin dahil sa sinabi ko. Kaso bigla na lang s'yang tumawa dahilan para tumaas ang kilay ko.

"Excuse me po. Firstly, hindi ho tayo close. At wala akong natatandaan na close interaction mula sa inyo even before. Second, 'yon lang ang ipinunta ko dito. Para ibalik 'yang mga regalo kuno n'yo na hindi ko alam kung para saan. And lastly, alam kong may something sa inyo ni Hakuna. Hindi ko alam kung ano'ng iniisip n'yo at bakit mo ginagawa 'to pero hindi ako pumunta dito para lang sa wala. Kung ayaw n'yong magalit si Aloha sa inyo. Please just stop." Madiin kong sabi dito.

Go With The FlowWhere stories live. Discover now