Chapter 21

11 2 0
                                    

Chapter 21: Three Friends

—YSLA ALONZAGA—

"Para sa'kin ba 'yan?" Usiserang tanong ni Aloha sa akin habang sinisilip pa ang laman ng paper bag kaya't agad kong inilayo ito sa kan'ya.

"Hindi. Bili ka na lang ng sa'yo." Sagot ko dito dahilan para maiwan s'yang nakanganga.

"Kay kuya 'yan ano?"

Agad ko s'yang liningon bago ngitian dahil tama s'ya sa hula n'ya.

(*˘︶˘*).。*♡

"Hoy! Ako ang kaibigan mo! Bakit don mo sa kapatid ko 'yan ibibigay?!" -Aloha.

"Bakit? Hindi ba pwede?" Tanong ko dito at ganon na lang ang panlalaki ng mata nya dahil sa sinabi ko.

"Ang haharot ninyo! Napakahaharot ninyo! Maghunos dili kayong parehas dahil masakit sa mata!" -Aloha.

"Ang bitter mo naman, grabe." -Ako.

"Hindi ako bitter! Sadyang hindi lang kayo nakakatuwa!" -Aloha.

"Nakakatuwa kaya! Kinikilig nga ako e. Hindi ba, kinikilig ka din sa amin noon." -Ako.

"Bonak ka naman kasi! Pinapamukha mo talaga sa akin na kinikilig ka. So ano? Iniinggit mo ba ako o ano?" -Aloha.

Hindi ko maiwasang ngumuso dahil sa sinabi nito kaya't nilapitan ko s'ya bago ikalang ang braso ko sa braso n'ya.

"Chill. Masaya din namang hindi kinikilig." Pampalubag loob ko dito. Wala din naman s'ya magawa dahil kung hindi s'ya kikiligin sa mga kwento ko sa kan'ya ay kanino pa s'ya kikiligin.

Anyways, deretso uwi na din kaming dalawa dahil wala naman na kaming pupuntahan.

Kaso the moment na buksan na namin ni Aloha ang pintuan ay bumungad sa amin ang tatlong tao sa salas habang kumakain at nagtatawanan.

"Nako, suplado nga itong si Kun kahit na nakakasama ko na s'ya kasi nga Class Representative s'ya tas Class Monitor ako."

"Sabi ko naman sa'yo, suplado ka nga tingnan kapag hindi ka nakangiti."

"Is it necessary to smile all the time?"

"Syempre hindi, pero kasi gaanan mo naman 'yung facial expression mo para approachable ka tingnan. Hindi 'yung 'what do you need?'"

Agad na naglanding ang mata ko sa dalawang bisita n'ya at ganon din sila.

Hindi ko inaasahang makita dito si Audrick at 'yung babaeng bumati sa amin ni Hakuna sa tapat ng Westridge.

Kinulbit ko na lang si Aloha bago ito senyasan na dumeretso na lang sa itaas.

Alam kong nakita nila kami pero hindi ko na lang ito pinansin at derederetso lang ang lakad namin papunta sa kwarto ni Aloha dahil alam kong kilala ako ng dalawa.

Kay Audrick naman ay wala akong problema pero don sa babae ay mukhang natatandaan nito ang mukha ko.

"Kapatid mo?"

At dahil sa tanong na 'yon ay agad kaming natigilan sa akmang pageskapo.

Humarap si Aloha at kumaway.

"Yup, upcoming college sa next academic year." Sagot ni Hakuna.

Hanggang sa tumigil ang mata ng tatlo sa akin at hindi ko alam ang gagawin nang bigla na lamang akong ituro ni Kun.

"Kaibigan ni Aloha. Si Ysla."

Nakita ko ang pasimpleng pagbati ni Audrick nang itaas n'ya ang dalawang kilay. Pero kahit ganon ay hindi ko pinapasadahan ng tingin 'yung kasama nilang babae.

"Mauna na po kami." Sabi ni Aloha bago kami magderetso ng lakad papunta sa kwarto n'ya. "Parang ngayon ko lang nakita si Kuya na nagdala ng kaklase sa bahay. Kahit noong highschool kasi e wala." Bungad nito nang makapasok kami sa kwarto.

"Baka naman kasi nagiging friendly na." Pagdadahilan ko.

Pero hindi nga. Sabi n'ya wala s'yang kaibigan. Hindi din naman daw s'ya close sa mga kaklase n'ya. Naiintindihan ko naman 'yung kay Audrick kasi nga naging close sila nang dahil sa paglalayas n'ya pero ang hindi ko maintindihan. 'Yung isang babaeng kasama nila.

Nung nagkita kami sa gate ng University, hindi kami nagkausap nung babae. Tinanong lang talaga n'ya kung ako daw ba 'yung kapatid ni Hakuna. Hindi ko din alam kung magkaklase ba sila or magkasama lang sa department or magkakilala lang.

"Hindi ko alam kung ako lang ba or naaning lang talaga ako. Kasi napapansin ko, dumadaldal si Kuya, second, madalas ko na s'yang nakikita sa mas maaliwalas na phase n'ya, compare mo noon. Third, nagiging mas palabigay s'ya at maaalalahanin. Dati naman na s'yang concern sa mga bagay-bagay pero hindi n'ya pinahahalata. Ngayon, parang nagiging showy at clingy s'ya."

Agad akong natigil sa pagaayos ng gamit dahil sa sinabi nito pero nakarecover din naman ako agad dahil bawal ang lutang.

✧\(>o<)ノ✧

"Malay naman natin nagiging friendly na s'ya kasi sawa na s'yang mag-isa." -Ako.

"Hindi ko sure. Si Kuya Kun 'yun e. Never na-conscious sa social life at sa trends. With friends or none, wala s'yang pakialam." -Aloha.

Hindi ko alam ang isasagot kay Aloha dahil wala namang mali sa sinabi n'ya. Lahat 'yon ay tama.

"Hindi ko din alam. Hindi naman ako si Kun." Pilosopong sagot ko dito bago ibagsak ang sarili sa kama.

Pero medyo gigil ng slight talaga don sa sinabi n'ya na 'two friends only' kemerut achuchu. So ano 'yung isang kasama nila, ano.

Daming hanash. If I know, baka ako pa panghuli sa friends list n'ya. Bobolahin n'ya pa talaga ako. Kinilig pa man din ako non tapos ganito lang ang mapapala ko. Sinayang n'ya 'yung kilig ko.

Nang may maalala ako ay agad akong tumayo sa kama bago magtungo kung na saan ang bag ko. Inilabas ko 'yung paper bag na may lamang Cinnamon Roll at coffee in can bago iabot kay Aloha.

"Iyo na lang. Kung ayaw mo, bahala ka na, whatever man na gusto mong gawin." Sabi ko rito na agad din namang kinuha mula sa akin ang paper bag.

Matapos non ay nagpalit na ako ng damit dahil gusto ko nang magpahinga.

Pero syempre bago 'yon, nagmuni-muni muna ako

Kaso...

Bigla na lang akong nainip at hindi ko na naabutan sa loob ng kwarto si Aloha kaya suspetya ko ay lumabas na 'to.

Sinubukan kong sumilip muna mula sa hagdan para silipin kung may tao ba pero sobrang tahimik ng bahay nila at hindi ko sigurado kung may tao pa bang natitira.

Pero anyways, nagderetso na ako sa kusina para uminom ng tubig kasi nauuhaw na din naman ako at mukhang walang mga tao pero halos mahulog ang puso ko nang makita si Hakuna na kumakain sa kusina.

"Si Aloha?" Patay malisyang tanong ko dito.

"Don't know. You're with her kanina. I didn't see her after that." Sagot nito habang tumutusok ng Cinnamon Roll na may katabing coffee in can.

Agad na naningkit ang mata ko dahil sa kinakain n'ya. Alam kong ibinigay ko 'yon kay Aloha pero s'ya ang kumakain ngayon.

"Do you wanna eat? You're looking at the coffee. Are you hungry?" Tanong n'ya dahilan para umayos ako ng tayo sabay iling.

Dali-dali akong kumuha ng tubig at wala sa sariling naglakad ako papalayo ng kusina.

Gagi, hirap pag may crush. Kinakawawa puso mo.

。。。

im_SIREN

Go With The FlowWhere stories live. Discover now