Chapter 31: Little Time With You
—YSLA ALONZAGA—
Naramdaman ko na lang ang biglang pagdidikit ng kilay ko nang maalala ang naging usapan namin ni Kuya Khan kanina sa kanila.
Tahimik ko ding pinagmasdan si Kun na nagddrive.
"Uh... Dahil akala ko mukha kang pera?"
"Excuse me?"
"People always look after Aloha and Kun for what they have. So naisip ko na subukan kung tatanggapin mo ba lahat ng bribe ko sa'yo. If you accepted them. Then you're no different from others."
"So meaning, pinagdududahan mo ako?"
So tama nga ako ng duda noon. May lihim na galit si Kuya Khan sa akin noon pa lang. At kaya naman n'ya ako pinadadalhan at binibigyan ng kung ano-ano na lang bigla noon ay dahil sinusubukan n'ya kung mukha ba akong pera o ano.
Kay Aloha oo. Gets ko kung bakit n'ya gagawin 'yon. Pero akala ko ba hindi sila okay ni Kun.
Si Aloha na din naman ang nagsabi sa akin na hindi malapit si Kun at si Kuya Khan dahil nga hindi naman sila magkasamang lumaki.
Plus pa na may independency traits si Kuya Khan habang si Hakuna naman ay mataas ang pride.
Parehas silang may pinapatunayan, and that is one of the reasons why they grew apart each others.
Para silang awkward and what.
Teka.
Hindi kaya, awkward lang naman sila at madalas magtalo. Hindi naman ibigsabihin nito na sinarhan na nila parehas ang pintuan para sa isa't isa.
Hindi kaya sinubukan ako ni Kuya Khan noon dahil natatakot s'ya na baka kung sino na lang ang maging kaibigan o magustuhan ni Hakuna?
Meaning ba nito, Kuya Khan still cares for Kun?
"Medyo nakakapangselos."
"Huh?" Sabog na napalingon ako sa katabi ko na nakahalumbaba sa manibela ng sasakyan.
Tiningnan ko naman ang paligid at tsaka ko lang napagtanto na nakatigil na pala ang sasakyan sa tapat ng bahay namin.
"I said I'm jealous. Who're you thinking of?" Paguulit pa nito.
Nakarecover naman na ako at nakabalik na ako sa ulirat kays nginitian ko ito.
"May boyfriend na po ako kuya sorry." Pangaasar ko dito.
Kita ko ang pagtaas ng kilay nito pero hindi na ako nagulat nang hawakan nito ang kamay ko.
"Miss you're boyfriend must be handsome that only you could make him magsalita in Tagalog." -Kun.
"Tagalog pala 'yon? Akala ko kaartehan." -Ako.
Kita ko ang pagtalim ng mata nito bago sumandal sa head rest.
"Pasalamat ka gusto kita." -Kun.
"OMG thank youuu." Pangaasar ko pa dito na lalong nagpasimangot sa kan'ya. "Joke lang hehe."
Nakita ko ang pagngiwi pa nito bago hawakang muli ang kamay ko. Bigla ko tuloy naalala na naman 'yung naging usapan namin ng kapatid n'ya kaya bahagya ko na lang nilaro ang kamay nito.
YOU ARE READING
Go With The Flow
Roman d'amourWavered by the wave. Ysla, is her name. To ignore this fluttering feeling or to just go with the flow. And now I don't know. --- "Baliw, hindi nga ko sabi type non. Pagpalagay na natin na malayo ako sa standards n'ya. Sige nga. I-imagine mo kami ng...