Chapter 16

22 2 0
                                    

Chapter 16: Iced Coffee In Can

—YSLA ALONZAGA—

Inis kong pinatay ang tawag ni Aloha dahil kanina pa ako rinding rindi sa boses n'ya.

Jusko. Hindi na n'ya ako pinatahimik. Gusto kong mapagisip. Kung guguluhin n'ya ako nang guguluhin, wala akong maiisip na tama. Hindi ko masosort out 'yung mga bagay bagay sa utak ko!

Sa inis ko dahil wala lalong napasok sa kukote ko ay ipinikit ko na lang ang mata ko bago yakapin ang aking unan.

Pero seryoso, bakit s'ya nakasalamin kanina?

"Argh! Nakakaasar!"

Napabangon na lang ako sa kama dahil wala na namang pumasok sa uula-ulaga kong utak kundi iyong nangyari kanina.

Paulit-ulit lang na nagr-replay sa akin iyong bwisit na tubig na natapon dahil sa kashungaan ko.

Wala sa sariling sinilip kong muli ang kamay na hanggang ngayon ay may gauze pa rin at hindi ko pa rin pinapalitan ng guaze.

"Ganito ba kiligin?"

Hindi ko na mapigilan ang matadyakan ang iba ko pang unan habang parang siraulong namumula at nakatakip ang mukha.

Seryoso na ba talaga? Kikiligin na ako? Walanyang salamin 'yan. Napaamin ako nang wala sa oras. May pa-final final pa akong nalalaman, bibigay din naman pala ako.

Harot ko ata masyado jusko. Kalmahan mo lang sarili mo Ysla. Kapag nalaman ni Mommy 'to yari na.

Jusko hindi ko tuloy maimagine. If ever na malaman or mahalata ni Mommy 'to baka magkwento pa si sya kay Tita. Papaano pala ako kapag nalaman ng Mommy nila Aloha na may gusto ako sa pangalawang anak n'ya.

Jusmiyo, ano na lang ang sasabihin non sa akin. Na napakaharot kong bata.

Kasalanan ni Aloha 'to. Feeling ko napush ako ng husto dahil inaasar-asar n'ya ako sa kapatid n'ya.

Nako, sorry talaga Hakuna. May pagtingin na ako sa'yo, sorry. Hindi ko din inasahan kaya sorry talaga nang sobra.

༼;'༎ຶ ۝ ༎ຶ༽

Hindi naman tayo close kaya walang mawawala sa'kin.

"Okay, tama na. Mababaliw na talaga ako kapag hindi ko pa 'to itinigil. Matutulog na 'ko." Parang ulagang sabi ko sa sarili habang pinakakalma ang sarili ko rin mismo.

Sinubukan ko nang humiga ng ayos at ipikit ang mata pero nang maalala ko na naman 'yung kape ay wala sa sariling napatili ako.

Walanya ka, crush na crush na ba kita HAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHHAHAHAHAHAHHAHA—

"AAAAYYY!"

Wala na atang ilalakas 'yung sigaw ko dahil sa mas malakas na kidlat na bigla na lamang nagpatigil sa akin. Sinabayan pa ng pagkapatay ng mga ilaw.

Jusko sorry po, Lord. Tama na nga itong kaharutan. Hindi na po mauulit.

。。。

Go With The FlowWhere stories live. Discover now