Chapter 10: Take Out
—YSLA ALONZAGA—
"Ang dami naman atang pagkain." Puna ko sa dalawa na naghain ng sangkatutak na pagkain sa mesa. Ang dami ngang pagkain, puros naman mga order. Parang balak nilang magsira ng atay.
"Kaya naman nating ubusin 'yan." Nakangiting sabi ni Audrick sa akin.
"Go eat." Alok ni Kun sa akin.
Matapos ng project namin ay dumeretso na agad ako sa unit ni Audrick kung saan naabutan ko din doon si Kun.
"Nga pala." Pauna ko tsaka sumubo ng fries. "Ano'ng libro pala 'yung kailangan mo?" Tanong ko kay Kun na naghahati ng pizza.
Bigla itong natigilan sa ginagawa bago ako bigyan ng 'why the heck do you have to know that.' look.
"Why? Do you need it or something?"
"Wala naman, sisimplehan ko lang 'yung kapatid mo. Baka maipuslit ko lang." Sabi ko dito.
Baka kasi kailangan pala talaga n'ya 'yung libro tapos baka kapag nagtry ako, makuha ko pa 'yung libro sa bahay nila.
"Nah, you don't have to." Sagot nito.
"Wala kang bilib sa'kin. Pag lang nadala ko 'yon sa'yo. May utang ka sa'kin." Matapang kong sabi bago magtuloy ng pagkain.
"Madalas ka ba sa kanila?" Tanong naman sa akin ni Audrick na kumakain din.
"Oo, pero 'yung kapatid n'ya talaga 'yung kaibigan ko kaya andon lang ako sa kwarto ng kapatid n'ya." -Ako.
"Si Ysla lang ba nakakaalam na dito ka nagsstay sa unit ko?" Tanong naman ni Audrick kay Kun.
"Technically yes. Masyadong chore yun si Aloha so hindi ko na sinabi na andito ako." Sagot naman nito.
"So hindi kayo magkaibigan ni Ysla? Magkakilala lang kayo dahil sa kapatid mo?" Paninigurado pa ni Audrick.
Sabay kaming nagkalingunan ni Kun bago tumango.
"We actually don't speak to each other even at home." Sagot pa ni Kun kay Audrick na parang naguguluhan.
"Akala ko kayo." -Audrick.
"Huh? Akala mo kami? Anong kami?" -Ako.
"Kayo. Akala ko boyfriend mo si Kun." -Audrick.
"Ehhhh?!" -Ako.
"What's wrong with you dude." -Kun.
Sabay namin s'ya binigyan ng 'wut the eff' look bago humarap sa plato at magpatuloy na lang sa pagkain.
。。。
"We're homeeee!" -Aloha.
"Hi tita." -Ako
"Hey kids." Bati ng Mommy ni Aloha sa aming dalawa na kararating lang galing school. "I made some lasagna. Baba na lang kayong dalawa whenever you want."
"Mamaya kami kakain ni Ysla, Mommy." Sagot ni Aloha bago kumaway at derederetso kaming nagtungo sa kwarto n'ya.
"Pakiramdam ko araw-araw na tayong pinahihirapan ng school." Pagod na pagod na sabi ni Aloha bago humilata sa kama n'ya. "Katulad kahapon. Half day sana, kaso may project pa kaming inayos."
YOU ARE READING
Go With The Flow
RomanceWavered by the wave. Ysla, is her name. To ignore this fluttering feeling or to just go with the flow. And now I don't know. --- "Baliw, hindi nga ko sabi type non. Pagpalagay na natin na malayo ako sa standards n'ya. Sige nga. I-imagine mo kami ng...