Chapter 11

15 2 0
                                    

Chapter 11: Family Dinner

—YSLA ALONZAGA—

"Ysla, bangon na. Baka ang Lolo mo na ang gumising sa'yo."

"Wala na nga si Lolo, Mommy."

"Ay oo nga wala na. S'ya bangon na d'yan."

Hindi ko maiwasang mapakamot sa ulo dahil kay Mommy. Lagi na lang ginugulo si Lolo.

Morning rituals, magtitiklop ng hinigaan tapos maghihilamos tas magsisipilyo. Feeling may morning routine kahit na dugyutin naman.

Dumeretso na lang ako sa kusina para kumain dahil naaamoy ko na ang luto ni Mommy.

"Mommy, dun daw ako mamaya kina Aloha mag dinner. Baka malate ako ng konti paguwi." Paalam ko kay Mommy habang deretso pa din sa pagkain.

"Basta sabihin mo, ipaguuwi mo daw ako." -Mommy.

"Ehhh? Ipinagbabalot ka naman talaga ni tita kahit hindi ko na sabihin na ipaguuwi kita." -Ako.

"Okay, pero pag late na masyado, pahatid ka na sa kanila." Sabi ni Mommy sa akin habang nagaayos ng lababo.

So kanino ako magpapahatid. Ayoko don sa panganay nila.

(─.─||)

And so, the day went on. Hapon pa lang, pumunta na ako agad kina Aloha dahil maaga s'yang nagtext na dun daw muna ako.

"Birthday daw ni Sundae sa isang linggo. Gusto daw nung mama n'ya na may konting bisita." Banggit ko kay Aloha na katabi ko sa kama habang nakahiga at tutok na tutok ang mata sa TV.

Nasabihan ako ni Sundae; kaklase namin na kaibigan ni Yiyi.

"Hala handaan. Game ako HAHAHAHAHA."

Bigla na lang akong napatakip sa tainga dahil sa sigaw nito. Hindi ko maiwasang mapaisip kung lumunok ba 'to ng 30 watts na amplifier o ng microphone.

"Anong regalo mo. Hindi ko alam bet ni Sundae e." Tanong ko dito.

"Pagkain? Papaluto na lang ako kay Mommy." -Aloha.

"Sanaol. Samahan mo kaya ako bukas, sa District na lang ako bibili." -Ako.

Appreciative naman si Sundae kaya sa palagay ko ay magugustuhan n'ya kahit anong regalo. 'Yun nga lang wala pa akong plano at options sa kung ano ba talaga ang ipangreregalo ko sa kan'ya.

"Tara na sa baba, silipin natin si Mommy." Aya nito sa akin bago pagpagan ang kama at patayin ang TV.

Kapal ng mukha ko noe, feeling anak din. Nakikihiga sa kama nang may kama. 

Anyways, sabay kami ni Aloha bumaba sabay deretso sa kusina para silipin si Tita pero ganon na lang ang panlalaki ng mata ko nang makita ang isang pamilyar na mukha sa tabi ni Tita.

Naglipat ang tingin ko sa kaibigan ko na nakataas ang dalawang kilay at hindi makapaniwalang nakatingin dito.

"Kuya? Kuya?!" Parang ulagang tanong nito dahilan para maglipat ng tingin sa amin si Kun at ang Mommy n'ya.

Go With The FlowWhere stories live. Discover now