Chapter 9

19 3 0
                                    

Chapter 9: See You Later

—YSLA ALONZAGA—

"Tambay ulit tayo sa cafe." Aya ko kay Aloha. Agad naman itong tumayo dahil sa sinabi ko at inayos na ang bag n'ya.

"Tara naaaaa!"

"Sabi ko tatambay, wala akong sinabing libre." Paglilinaw ko dito.

"I know right. Kala mo sa'kin, walang money?" Maarteng sabi nito bago hiklatin ang braso ko.

Basta talaga tatambay, masyadong excited 'tong babaeng 'to.

Nagderetso na kami papalabas nang hindi pa rin n'ya binibitawan ang braso ko nang bigla na lang may mag text sa kan'ya.

Usisera ako pero hindi ko naman babasahin 'yon.

"Badtrip." Yamot na yamot na bigkas ni Aloha bago ako tingnan. "Susunduin ako ni Kuya."

Bigla akong napatigil sa paglalakad nang sabihin n'ya 'yon. Tsaka ko lang naalala na malabong 'yung isa 'yon dahil naglayas nga pala s'ya at may isa pa s'yang kapatid.

Masyado akong nasanay na dinadaanan s'ya nung isa n'yang kapatid na galing sa University tapos isasabay din ako ng sakay hanggang sa labas ng village namin.

"Bayaan mo na, bukas na lang tayo mag cafe." Pampalubag loob ko dito kaso ay lalo naman s'yang nagdabog.

"Gusto ko ngayon e." -Aloha.

"Ano ba, hindi naman aalis 'yung cafe don. Pwede naman tayong tumambay don anytime. Para kang bata." -Ako.

"Gusto ko ngayon, Ysla." -Aloha.

"Bukas na nga sabi." -Ako.

"Badtrip. Ano bang nakain ni Kuya Khan bakit bigla bigla s'yang nanunundo." Reklamo pa nito bago kami magtuloy ng lakad papalabas ng gate.

Sa hindi kalayuan ay may low-key kumakaway kay Aloha. Which is 'yung kapatid n'ya.

At bago pa man kami makatawid ay nagpaalam na ako sa kaibigan ko na hindi ako sasabay sa kanilang dalawa.

"De, sumabay ka na din sa'min. Si Kuya Khan naman ang magddrive e. Kung si Kuya Kun, mainit ulo, 'yan namang si Kuya hindi kaya wag ka masyado magalala." Pangungumbinsi pa nito sa akin.

Inilingan ko s'ya bago nginitian.

"Okay lang talaga. Promise." Sagot ko pa dito pero hindi n'ya ako pinakinggan at hinila na lang ako patawid papunta sa kung na saan nakaparada ang sasakyan ng kapatid n'ya.

Hindi ko maiwasan ang tingnan ang kapatid nito. Parang hindi ko talaga gaano bet vibes nitong panganay na kapatid nila. Lalo na pag naaalala ko 'yung kung ano-anong mga bagay na ibinibigay at iniiwan n'ya sa bahay.

Akmang iiling pa sana ako ng isang beses nang itulak na ako ni Aloha papasok sa kotse ng kapatid n'ya dahilan para hindi na nga ako makababa.

Mahirap na. Baka masabihan ng bastos. Libreng sakay na, masyado mo namang ireject.

"Hey, kamusta school?" Feeling friendly na tanong nito. Pero s'yempre hindi ako sumagot kasi kapatid naman n'ya 'yung tinatanong n'ya.

Sinubukan ko na lang na buksan 'yung cellphone ko para hindi ako maleft out atsaka para hindi ko gaanong ramdam 'yung uneasy feeling.

。。。

Hindi ko magawang makahinga kahit pa sinabi na ng teacher na half day lang kami ngayon at maaga kaming makakauwi.

Go With The FlowWhere stories live. Discover now