Chapter 20

11 2 0
                                    

Chapter 20: Late Library Hours

—YSLA ALONZAGA—

"Ayoko na talaga." Reklamo ko habang tinatapos ang activity. Samantalang ito namang kasama ko ay wala nang kailangan pang intindihin dahil hindi naman kahirapan ang napunta sa kan'ya.

"Dun mo na sa bahay tapusin 'yan." Pachill-chill na sabi nito.

"Ikaw, napakatamad mo. Kaya nga nasa library tayo ngayon kasi wala naman akong mailalagay dito sa paper ko kung sa inyo ako gagawa e." Sagot ko dito.

Kita ko na tinatamad na ito at atat na ata na s'yang umuwi pero nanatili pa rin itong nakaupo.

"Umuwi ka na lang kaya." -Ako.

"Bilisan mo na lang d'yan. Hihintayin na kita." -Aloha.

Agad nang itinuon ko ang atensyon sa ginagawa ko at ipinagpatuloy na lang ito para matapos na ako.

Pero lumipas na ang 40 minutes at hindi pa rin ako nakakaalis sa kinauupuan ko. Ni hindi ko nga alam kung may natatapos ba ako sa ginagawa ko dahil parang hindi ito nauubos.

"Ano na? Patapos ka na ba?" Naiinip nitong tanong.

"Wait lang. Konting time pa." Sagot ko sa kan'ya.

Hanggang sa 30 minutes ulit ang lumipas pero mukhang hindi pa talaga ako makakatapos kaya naman tinapik ko na si Aloha na mukhang nakatulog na sa Library.

"Aloha, umuwi ka na." Paggigising ko dito.

"Tapos ka na ba?" -Aloha.

"Hindi pa e. Baka mamaya-maya din umuwi na ako." -Ako.

Kita ko ang pagdadalawang-isip sa mukha ni Aloha dahil sa sinabi kong mauna na s'ya pero itinulak-tulak ko na s'ya kaya wala na din itong nagawa.

"Magtext ka ha." Sabi nito habang kumakaway na palayo hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.

Hindi ko tuloy maiwasan ang mapabuntong hininga lalo pa nang maramdaman ko na ang ngalay sa leeg ko. Konti na lang, pakiramdam ko malalagot na s'ya mula sa buto ko.

Sana maya-maya lang ay matapos na din ako. Pakiramdan ko kasi ay bibigay na din 'yung utak ko.

Umaasa ako na sana matapos na din ako pero naubos na lang nang naubos ang mga estudyanteng kanina ay kasama ko lang dito sa library. At nang silipin ko ang bintana ay tsaka ko lang nakita na madilim na sa labas.

Dali-dali kong tiningnan ang relo at nakitang 7:54 p.m. na.

Jusko, hindi ko na namalayan 'yung oras. Masyado na palang late tapos hindi pa din ako tapos sa ginagawa ko.

Susubukan ko pa sanang ituloy ang ginagawa ko nang ganon na lang ang gulat ko dahil may biglang sumulpot sa harap ko.

"Kun! Ano'ng ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok sa school?" Gulat kong tanong sa kan'ya na wala manlang kadala-dalang ano kahit na bag pero nakasuot pa rin ng Uniform ng Westridge.

"Late na, hindi ka pa nauwi."

Gusto kong kiligin sana dahil sa pagtatagalog nito pero hindi na gaanong natuloy dahil hindi ko mawari yung itsura at reaksyon n'ya.

"May tinatapos lang ako. Hindi ko lang gaanong namalayan na late na pala." -Ako.

"Grabe. Look at the clock. It's already 8 in the evening and you're still at school. I think you're the only student here. When are you planning to leave, ano?"

Dahan-dahan kong inimis ang gamit ko dahil sa sinabi nito. Nang bumuntong hininga s'ya at kinuha ang bag ko.

"Bilis." Pagmamadali n'ya sa akin kaya't dinalian ko na talaga.

Go With The FlowWhere stories live. Discover now