Chapter 13: Self Assessment
—YSLA ALONZAGA—
"Bukas na pala birthday ni Sundae." Paalala ko kay Aloha.
Mabuti na lang at sinamahan ako ni Aloha bumili ng regalo sa District nung isang araw.
Hindi ko talaga alam kung magugustuhan ni Sun 'yung regalo ko pero mahilig kasi s'ya manamit kaya feeling ko oks lang sa kan'ya 'yung damit.
"Sabay na tayo pumunta sa kanila bukas. Kahit magkita na lang tayo half way." Suggest nito sa akin habang nakatutok ang mata sa libro n'ya.
"Agahan mo naman ha. Kasi, isang oras ka maligo, isang oras ka din magdamit at magmake-up kaya pakiagahan please lang." -Ako.
"Handaan 'yon Ysla, natural na maaga tayo." Parang baliw na sabi nito bago humalakhak.
Sabagay, handaan nga naman 'yon.
THE NEXT DAY...
Hindi ko alam kung magugulat nga ako nang maaga kaming nakaalis ni Aloha. Pero good thing na din naman yon para magtagal kami kina Sundae.
Nang makarating kami sa bahay nila Sundae ay andon na agad 'yung mga kaibigan nila ni Yiyi na taga kabilang section.
"Happy Birthday Sun!" Sabay naming bati kay Sundae na sumalubong sa amin.
"Sila Taki at Xin?" -Ako.
"Parating na daw. Hoy wag kayo mahihiya ah, at kayo-kayo lang naman ang bisita ko. Hindi na ako nangumbida sa iba nating kaklase kasi hindi naman karamihan 'yung niluto namin nila Mama." -Sun.
"Nako sakto, nagpaluto ako kay Mommy ng pasta." -Aloha.
"Hala, nagabala ka pa. Kaya nga kayo andito kasi kayo 'yung bisita tas kayo pa nagdala ng pagkain." -Sun.
"De nu ka ba. 'Yun nga lang regalo ko." -Aloha.
Nakakasabay naman ako sa daldal ni Sun at ni Aloha kaso nasobrahan ata sa daldal itong kaibigan ko at pati nanay at tatay ni Sundae e dinaldal na.
Nagkataon na gusto din ng magulang n'ya ng bisita kaya mukhang nagkasundo sila ni Aloha.
Maya maya lang din ay dumating na si Taki at Xin at mukhang mapapatagal kami dito kina Sundae.
"Oy Ysla, ang ganda talaga nung regalo mo. Nagustuhan ko nang sobra." -Sundae.
"Hindi ko talaga alam 'yung ireregalo sa'yo kaso naalala ko na mahilig kang manamit kaya naisip kong damit na lang iregalo ko sa'yo." -Ako.
"Grabe damitan n'yan, kung alam n'yo lang. Parang damitan ng sampung tao." Biglang singit nung nakatatandang kapatid na lalaki ni Sundae na kararating lang sa salas.
"Kesa naman sa'yo. Baduy manamit. Kaya wala kang girlfriend e." -Sundae.
"Hoy Sun, nung nasa ganyang edad ako, madaming babaeng nagkakagusto sa'kin." -Kapatid n'ya.
"Oh? Baka may dipirensya sa mata 'yon Kuya Mint." Biglang singit ni Yiyi dahilan para mabadtrip lalo ang kapatid n'ya.
"Grabe kayo." -Ziyon.
"Napakayabang mo. Porket andito mga kaklase at kaibigan mo." Puna pa muli nito dahilan para pagtawanan namin s'ya imbis na damayan.
In the end, hindi rin makasabay 'yung kapatid n'ya sa kulit namin kaya nagparaya na lang ito at tumambay na lang din sa kusina para kumain.
"Pero 'di nga, seryoso. G ako dun sa gala na sinasabi ni Aloha." -Taki.
"Tayong anim lang naman e. Kasya na sa isang sasakyan." Sagot ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/248195550-288-k538230.jpg)
YOU ARE READING
Go With The Flow
RomanceWavered by the wave. Ysla, is her name. To ignore this fluttering feeling or to just go with the flow. And now I don't know. --- "Baliw, hindi nga ko sabi type non. Pagpalagay na natin na malayo ako sa standards n'ya. Sige nga. I-imagine mo kami ng...