Chapter 5

28 3 0
                                        

Chapter 5: Doughnut?

—YSLA ALONZAGA—

"Hindi ko na alam ang gagawin ko dun sa dalawa kong kapatid. Sila na nga itong mas matatanda sa akin, pero sila pa rin 'yung parang mga mas bata pa sa akin." -Aloha.

"Sabi ni Mommy, parehas kasi silang lalaki. Hindi daw talaga maiiwasan." -Ako.

"'Yun na nga. Parehas nang lalaki. Parehas din na paula-ulaga." -Aloha.

Sabay kami napabuntong hininga ni Aloha dahil sa ginagawa namin ngayon.

Maaga kaming umalis ng school at nagderetso sa University kung saan pumapasok si Kun. Dahil tatlong araw na din ang nakalipas nang huling umuwi si Kun sa kanila.

Oo tinutulungan ko 'tong kaibigan ko na hanapin 'yung kapatid n'yang naglayas.

Alam ko namang malabong maging palaboy na lang 'yon pero sumama pa rin ako kay Aloha dahil kaibigan ko s'ya.

Sino pa ba ang tutulong kay Aloha bukod sa akin.

Atsaka kahit ganon naman sa akin si Kun ay kapatid pa rin s'ya ng kaibigan ko.

Isasantabi ko na muna yung  hidden hate na nadadama n'ya sa akin every time na magkasama kami ng kapatid n'ya.

So eto na nga. Tatlong araw din namin s'yang hinanap ni Aloha kaso nga ay walang ibang alam si Aloha kung saan s'ya pwedeng magtanong.

Sa pagkakatanda ko kasi ay walang kaibigan itong kapatid ni Aloha. Masungit s'ya sa tao so I assume na pati sa mga kaklase nito ay ganon din s'ya.

Pa 'Hard to reach' ang dating ng isang 'to.

Busy ako sa pagmumuni-muni hanggang sa bigla na lang kaming napatayo ni Aloha nang makita ang karamihan ng estudyante na papalabas na ng University gate.

Kaya't panay na lang ang paghahanap namin ni Aloha sa #NawawalangKapatidNya.

Syempre wala din naman akong magawa kundi ang maki-search and rescue sa kapatid ng kaibigan ko since 'yun ang ipinunta namin dito.

Gaya ni Aloha, hinahanap ko din sa kumpulan ng mga tao kung andon ba 'yung kapatid n'ya.

"Sigurado ka bang ganitong oras ang awasan ni Kun?" Tanong ko dito.

Baka kasi mamaya ay panay ang hanap namin e hindi naman pala ito ang oras ng uwian nung kapatid n'ya.

"Aba oo, last last week nung sinundo n'ya 'ko ganito talaga sched n'ya." Sagot nito.

Nagpatuloy na lang ako sa pagmamatyaga keme.

Pero makalipas na ang mahigit 15 mins pero ni kamukha ng kapatid ni Aloha ay hindi namin nahanap.

Pinakaayaw ko, maghintay. As in.

Hindi ko alam kung papaano ako tumagal nang labin-limang minuto dito sa labas ng University nila.

Pero syempre wala din naman akong magawa. Hindi na din naman ako nagreklamo.

"Umuwi na lang kaya muna tayo. Parang hindi kasi talaga natin mahahanap—"

Agad na nanlaki ang mata ko nang makita sa bandang likuran ni Aloha ang hinahanap namin.

Hindi ko alam ang gagawin lalo pa nang biglang manlaki ang mata nito dahil nakita n'ya ako. Alam kong nataranta s'ya ng bahagya, dahilan para bigla itong sumenyas ng 'Bakit kayo nandito?! Anong ginagawa n'yo dito?! Umalis kayo!'

"A-aloha. Parang ano, parang wala talaga dito kapatid mo. Ano kaya, umalis na muna tayo." Nakangiti at wala sa sariling sabi ko sa kaibigan ko.

Hanggang sa bumuntong hininga ito sa akin.

Go With The FlowWhere stories live. Discover now