Chapter 6

28 2 0
                                    

Chapter 6: Chicken Bucket

—YSLA ALONZAGA—

Hindi ko maiwasang mapahawak sa ulo bago tuluyang ibagsak ang mabigat kong katawan sa malambot kong kama.

~Flashback~

"Audrick, get her some water—"

"H-hindi, okay lang ako." Alanganing sagot ko bago ngitian 'yung nakasalamin kuno na Audrick daw pala ang pangalan.

Wala sa sariling naglanding ang mata ko sa doughnut na ibinigay ko sa kanila na ngayon ay nasa table na kung saan kami umupo.

Hindi ko maiswasang igala ang mata ko sa kabuuan ng unit at masasabi ko na 'yung Audrick ang may-ari talaga ng unit na 'to. Una, dahil kakaunti lang ang gamit. Bukod sa mga daily necessity at gamit sa school ay wala nang iba dito.

"Hindi naman talaga ako magtatagal dito. Alam mo na, medyo na curious lang talaga ako kasi hinahanap ka ng kaibigan ko. Pero hindi naman ako magsasalita sa kanila. Hindi naman ako mangangailam. Hindi kaya tayo close." Derederetso kong sabi sa kaharap ko.

Bigla akong nakaramdam ng tension sa loob ng unit dahil wala namang nagsalita.

Masanay ka na Ysla, hindi naman kasi kayo close talaga ng kapatid ni Aloha kaya siguro naninibago ka.

Hanggang sa muntik na lang akong malaglag sa kinauupuan ko nang bigla itong magsalita.

"I don't even have a say if ever na sabihin mo sa kanila where I'm staying right now. It's up to you. We're not close anyway."

Biglang nagpantig 'yung tainga ko dahil sa narinig mula sa kaniya. Hindi ko alam kung saan sa sinabi n'ya ang mali dahil inulit n'ya lang naman 'yung mga sinabi ko. Kaso sa paraan ng pagkakasabi nya parang may hindi ako madigest don.

Para maitago ang hindi ko maipaliwanag na expression ay pasimple akong kumamot sa batok bago ito ngitian ng bahagya.

"Diba. Correct?" Sabi ko na lamang bago magalangan nang saglit atsaka tumayo. "Uh, uuwi na pala ako. Business is finished. Byeee."

Dahil gusto ko nang umalis don ay agad ko nang isinuot ang bag at nagpaalam sa dalawa. Hanggang sa makahinga na ako ng maluwag dahil nakalabas na ak—

"Sorry kay Kun ha."

"Ay siomai kinakain mo." Bigla akong napatakip sa bibig dahil sa nasabi ko.

Hindi ko naman kasi alam na sinundan pala ako papalabas nung Audrick kuno.

"Ay, hindi, sanay na ako d'yan." Sagot ko rito.

"Magkaano-ano kayo?" -Audrick.

"Uhm, kaibigan ako nung kapatid n'ya. So basically, totoo 'yung sinabi n'yang hindi talaga kami close." Sabi ko, bahagya ko s'yang tiningnan nang may maalala. Kaya pasimple akong bumulong. "Paano napadpad dito 'yan? Hindi ba totoo 'yung balitang wala daw 'yang kaibigan?"

"Huh? Ah oo, totoo 'yon." Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi n'ya. "Pero madalas kasi kaming magkasama. Lalo pa't Class Representative s'ya tapos ako naman 'yung Monitor." -Audrick

"Ah, so inalok mo s'ya na dito na lang sa unit mo?" -Ako.

"Hindi, tinanong n'ya ako kung magisa lang ako nakatira tapos ayun, nagkasundo naman kami na dito muna s'ya since nags-split kami ng gawain at may issues s'yang inaayos." Paliwanag nito.

~End of the Flashback~

Ang exhausting. Hindi naman ako nagtagal kasama sila pero pakiramdam ko ay isang araw akong nagtyaga sa iisang kwarto kasama sila.

Hindi ko tuloy maiwasang humanga kay Aloha dahil kinakaya n'ya ang dalawang lalaki.

Araw-araw akong sinusubok ni Lord pero parang kakaiba ata talaga ngayon.

Wala na akong nagawa kundi ang maglinis ng sarili at intindihin na lang ang mga dapat kong intindihin bago matulog na nang tuluyan.

THE NEXT DAY...

Nagdadalawang isip ako kanina kung aalis na ba ako sa bahay kasi hindi ko mahanap 'yung relo ko. Hindi ko naman maalala kung nawala ko ba s'ya or tinanggal ko lang kagabi.

Hindi ko din naman mahanap sa lalagyanan ko, tinanong ko na din kay Mommy. Pero hindi n'ya daw alam.

Hindi pa man din ako sanay umalis nang walang relo kasi lagi talaga akong nagsusuot non kahit saan ako pumunta.

To think na regalo pa man din ni Aloha 'yun nung JHS pa lang kami. Tapos nawala ko lang.

"Nakagawa ka na ng activity?"

"Ha?"

"Sabog ka? Activity kako. Nakagawa ka na ga?" Tanong ulit nito dahilan para alalahanin ko kung may activity nga ba ako. "Wala no."

Hindi ko maiwasang mapahawak sa sintido habang nanlalaki ang mata. Wala ata ako sa sarili, activity na lang hindi ko pa nagawa. Naninibago tuloy ako, parang wala ako sa sarili.

"Kung hindi pa kita tinanong, wala ka atang maipapasa. Bilisan mo na gumawa. Ipasasabay ko na lang ng submission kina Taki." Sabi nito sa akin.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil kahit papaano ay hindi ako iniwan ni Aloha sa pagpapasa.

Kahit bahagya akong sabog at walang maintindihan, ginawa ko pa rin 'yung activity. Hanggang sa hindi ko na lang alam na natapos ko na pala 'yung ginagawa ko. Basta natapos ko s'ya, okay na 'yon.

Ibinigay ko na kay kay Aloha ang papel ko para maisabay na sa pagpapasa kina Taki.

And the day went on. As usual, mahaba, stressful at puro lecture lang ang linaman ng utak ko the whole day.

Syempre, kailangan namin magunwind ni Aloha kaya deretso cafe ulit kami. Tamang tambay lang tapos kape-kape keme.

Hanggang sa sumakay na ng taxi si Aloha pauwi. Hindi ko maiwasan ang mapalingon sa kabilang side ng daan at saglit na tinantya ang layo mula dito hanggang sa condo unit ni Audrick kuno.

"Hindi, uuwi na ko." Nakangiti kong sabi sa sarili habang hawak ang baso ng mapait na Americano at napapailing iling pa ng bahagya.

But that was 30 mins ago.

Ngayon, nakasilip ako sa condo unit kung saan ako nanggaling kagabi.

Nako Ysla, naghahanap ka talaga ng gulo. Alam mo naman kung ano meron sa inyo ng kapatid ng kaibigan mo tapos ang lakas lakas pa ng loob mo na pumunta dito.

Dahil sa kaulagaang pinasok ko ay napailing na lang ako.

Tama, aalis na ako. Bago pa may makakita sa'kin---

"Ysla?"

Halos mapatalon ako nang makasalubong si Audrick.

Wala sa sariling pinatahimik ko ito bago nagtago ng bahagya. Mukhang nagets naman nito na nagtatago ako kaya sumunod na lang din s'ya.

Pinagkatitigan ko ito bago iabot 'yung paper bag na may lamang bucket ng chicken.

"Hindi mo ko nakita, hindi ako nagpunta sa building na tinitirahan n'yo, hindi din sa'kin galing 'yang manok." Mapagbanta kong sabi dito.

Hindi ko alam kung maasar ba ako nang mag-make face ito sa harapan ko bago tumawa ng mahina.

"Okaaayyy~"

"'Yun lang. Bye." Deretso kong sabi bago isakbit nang ayos ang bag at magderederetso na ng lakad. Kaso ay bigla na lang akong napahinto nang may maalala. "Ah. Wag mong kakainin 'yung wings, parang awa. Pabayaan mo na 'yung wings sa kan'ya. Survival tip 'yon."

Mukhang nagets naman n'ya 'yung sinabi ko kaya nagmadali na ako at nagderederetso ng lakad papalayo sa building kung saan ako galing.

。。。

im_SIREN

Go With The FlowWhere stories live. Discover now