Chapter 14

18 2 0
                                    

Chapter 14: FLAMES

—YSLA ALONZAGA—

"Hakuna, gusto mo ng chix?" Wala sa sariling tanong ko dito.

Gulat ang bumalatay sa mukha ng kaibigan kong nakaupo sa harapan habang si Kun naman ay deretso pa rin sa pagmamaneho.

Nabasa ko 'yung pabulong na sabi ni Aloha na 'Ulaga ka ba?!' bago ako pagtaasan ng kilay.

"What do you mean?" Tanong ni Kun.

"Chix, as in chix. Ayaw mo ba?" -Ako.

"Why? Would you give me one?" -Kun.

"Oo, magsabi ka na agad at bibigyan na kita." Pagkumbinsi ko pa dito habang itong kapatid naman n'ya na nasa unahan ay pasimpleng umiiling sa akin.

"Nah, don't need one—"

"Tama! Hindi kailangan ni kuya ng reto." Biglang gatong ni Aloha sa sasabihin ng kapatid.

Pasimple tuloy akong napangiwi dahil don. Mukhang ayaw ni Aloha na bigyan ng babae itong kapatid n'ya. Legal naman na ang edad nito.

"Ayaw mo ko magkagirlfriend?" Biglang tanong ni Hakuna sa kapatid.

Mukhang parehas kami ng iniisip ni Kun. Ayaw nga ata ni Aloha na magkagirlfriend ang kuya n'ya.

"Hindi naman sa ganon." Biglang bawi ng bruha.

ヘ( ̄ω ̄ヘ)

"I mean, reto talaga kuya? Come on, you're better than that." -Aloha.

"It's not like I have girl friends." -Kun.

"Exactly, lalayo ka pa ba? May mga kaibigan din naman ako." -Aloha.

Hindi ko maiwasang manlaki ang mata habang pinapanood ang dalawang magkapatid na magusap. Sorry, only child ako e.

"Is that fine? Magkakaroon ako ng girlfriend na kasing edad mo?" -Kun.

"Jusko kuya, age is just a number. Walang kaso kaso 'yon." -Aloha.

"You really sure about this?" -Hakuna.

"Ano ba kuya, duwag ka ba? Ano ba, ako bahala sa'yo. Atsaka sabi ko naman sa'yo, may mga kaibigan ako. Tingnan mo si Ysla, wala bang chance sa'yo 'to?"

Wala sa sariling napaayos ako ng upo sabay sa biglang paghapit ni Hakuna sa manibela.

"Ha?" / "Huh?" Sabay na tanong namin ni Hakuna sa kapatid n'ya.

Hindi makapaniwalang tiningnan ko si Aloha na parang walang ginawa.

"K-kung ano-ano na naman napasok sa kukote mo." Sagot ko dito. Pero hindi ko inasahan ang biglang sagot ni Kun habang deretso lang ang pagmamaneho.

"We never know."

。。。

"Feeling ko talaga may pagasa ka kay kuya. Hindi ko lang masabi kung may gusto ba s'ya sayo, pero kung ilalatag siguro lahat ng mga kakilala at kaibigan ko, kumpyansa ako na ikaw 'yung first pick ni kuya sa date if ever." Parang baliw na sabi ng kaibigan ko habang tumatawa pa.

Go With The FlowWhere stories live. Discover now