Chapter 18

21 2 0
                                    

Chapter 18: Weekend Plans

—YSLA ALONZAGA—

"Tapos na rin!" Malakas kong sigaw habang napapapalakpak sa harap ng laptop ko.

"Akala ko nanganganak na tayo ng pages. Parang hindi natatapos." Dagdag ni Aloha na ngayon ay nakasalampak na sa sahig.

Nakahinga naman na ako ng bahagya dahil sa wakas ay tapos na kami.

Tumingin ako sa relos at doon nakitang medyo late na pala. Di bale na at wala namang pasok bukas.

"Ipasa mo na kay Taki 'yan." Nagmamadaling sabi nito sa akin kaya't umupong muli ako para ipasa na 'yung file kay Taki. Lumipas lang ang ilang saglit at tapos na lahat sa wakas!

"10 na pala. Hindi pa tayo kumakain." Puna ko nang maramdaman na kumakalam na ang tyan ko.

"Feeling ko kumain na sila." Maluha-luhang sabi ni Aloha.

Pano e kanina pa kami tinatawag sa ibaba para kumain kaso kailangan nga naming tapusin muna 'tong ginagawa namin kaya nauna na silang kumain sa ibaba kanina. 

Mukhang gutom din si Aloha dahil tumayo ito. Kaya sumunod na din ako kasi baka maghahanap s'ya ng pagkain sa ibaba.

Kaso pagkarating naman namin sa kusina ay wala rin kaming nahanap.

(〒﹏〒)

Walang foodssss.

"You two look like scavengers."

Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat nang may biglang nagsalita. Jusko po. Jusko po-gi. Hehe.

Wag maharot, unahin ang sigaw ng tyan bago ang sigaw ng puso. Gutom ka Ysla, diba?

"Walang pagkain?" Dismayadong tanong ni Aloha sa kapatid habang nakanguso pa.

"None." Pagak na sagot nito dahilan para bumagsak nang sabay ang balikat naming dalawa ni Aloha. "Get my keys, bibili tayo ng pagkain."

At dahil sa sinabi nito ay agad kaming napatakbo para kuhanin ang susi ng kotse at magderetso sa garahe.

。。。

"You like Mint Chocolate?"

Agad akong nagangat nang tingin kay Kun dahil sa tanong nito. Ako ba kausap nito?

Tungeks oo, ako lang naman naka Mint Chocolate sa aming tatlo e.

"Bakit? Ayaw n'yo ba?" Tanong ko dito at agad naman itong um-oo. Okay ayaw n'ya ng Mint Chocolate.

"Nako, sinabi ko na sa kan'ya dati na lasang toothpaste lang naman 'yon pero gusto n'ya talaga." Biglang singit ni Aloha dahilan para mapangiwi ako.

Una, dahil sumingit s'ya, pangalawa, dahil sa lasang toothpaste daw ang Mint Choco.

"Hoy hindi naman. Ang layo-layo naman nito sa toothpaste." -Ako.

"Ilayo mo sa'kin 'yan." -Aloha.

"Pa-try nga ulit. Baka magbago isip ko." Sabi ni Kun dahilan para mapaayos ako ng upo at iabot sa kan'ya ang cup ko.

Kumuhit ito ng kaunti mula sa lalagyanan ko bago ito tikman at kita ko ang pagkunot ng utak nito na para bang pinagiisipan pa ang mga desisyon n'ya sa buhay.

"I don't think it's that bad. It may be a 6/10 for me, pero I would definitely put this in the last row if ever I would pick a flavor." Sabi nito.

Hindi ko tuloy maiwasan ang mapangiwi dahil sa magkapatid.

Go With The FlowWhere stories live. Discover now