Chapter 22: Grab The Chance
—YSLA ALONZAGA—
"Sanaol nalipad."
"Ha?"
"Sanaol kako nalipad." Paguulit pa ni Aloha na s'yang nagpakunot sa noo ko.
"Nalipad ang?"
"Utak. Anlayo na oh. Ayun na oh, wala na. Tinakasan ka na." Nakangiting sabi n'ya na parang baliw pa na may tinuturo-turo na hindi mo naman makikita.
Pero correct nga s'ya don sa lumipad na 'yung utak ko. Dahil simula pa kaninang umaga ay sabog na sabog na ata ako.
"Hindi kita mareach, ano na ba bakit parang problemado ka masyado, tapos naman na ang exam." Puna nito.
Hindi ko na naiwasan ang mapabuntong hininga dahil sa sinabi nito. Wala pa rin naman ako sa huwisyo pero umupo ako ng maayos bago taas noong humarap sa kan'ya.
"Aamin na ako sa kapatid mo." Deretso kong sabi sa kaibigan ko na ngayon ay hindi gumagalaw sa kinauupuan n'ya.
"Seryoso?"
Agad akong napahilamos sa mukha gamit ang dalawang palad ko dahil naguguluhan din ako sa mga pinagggagawa ko sa buhay.
"Hindi ko din sigurado. Nagdadalawang isip nga ako." Pagamin ko dito.
"Tange! Bakit ka pa magdadalawang isip. Kung nagbabalak ka na, edi sabihin mo na! Kasi kung nagcross na sa utak mo na 'what if umamin na kaya ako.' ibigsabihin lang non may plano ka na talagang umamin, pinipigilan mo lang 'yung sarili mo kasi wala pang nagpupush sayo." Mahaba nitong litanya.
Agad na nagpakawala akong ng malalim na buntong hininga bago likutin ang phone na nakapatong sa canteen table.
"Pero 'di nga, sa totoo lang, wala naman akong pakialam talaga kung i-reject n'ya man ako since crush ko pa lang naman talaga s'ya. Kaso syempre inaalala ko din na magkaibigan tayo tapos kapatid mo s'ya—"
"Pashnea! Walang kapatid-kapatid! Kung gusto mo si Kuya, umamin ka. Atsaka sa tingin mo ba, kung hindi kita gusto para kay kuya, ip-push ba kita sa kan'ya? Na sa'yo ang lahat ng suporta at boto ko kaya kahit ano pang response ni kuya, magkaibigan pa rin tayo." -Aloha.
Hindi ko alam ang sasabihin dahil sa mga narinig ko mula sa kan'ya pero gusto ko sana itong batukan dahil parang hindi n'ya kapatid si Kun kung ibenta n'ya ito sa akin.
"Seryoso, Ysla. Kung nagbabalak ka nang magsabi kay Kuya, magsabi ka na. Mas better pakinggan 'yung 'at least umamin ako' kaysa sa 'sana pala umamin ako'." -Aloha
Dahan-dahan na lang na nanlaglag ang balikat ko dahil sa galing ni Aloha na magpursuade. Nadagdagan ng bahagya 'yung kapal ng mukha ko para umamin.
"Sa isang araw. Sa anniversary ng Westridge. Sasabihin ko na."
。。。
"Ano ba Aloha. Parang mas wala ka pa sa sarili kaysa sa akin. Hindi naman ikaw 'tong magsasabi sa kapatid mo e." Yamot na sabi ko sa kan'ya.
Kapag kasi pinagmasdan mo kaming dalawa ay mas mukha pa s'yang aligaga kaysa sa akin e ako naman itong aamin at hindi s'ya.
"Kinakabahan ako baka walang kwenta magrespond si kuya sa confession." Sabi nito na para ban isang taong hindi napatae
"Bakit? Wala bang umamin sa kan'ya noon?" -Ako.
"Hindi ko sigurado pero hindi ko talaga alam kung anong irerespond ni Kuya e. Nako, pag mamaya, walang kwenta ang isinagot sa'yo, suntukin mo." -Aloha.
![](https://img.wattpad.com/cover/248195550-288-k538230.jpg)
YOU ARE READING
Go With The Flow
RomanceWavered by the wave. Ysla, is her name. To ignore this fluttering feeling or to just go with the flow. And now I don't know. --- "Baliw, hindi nga ko sabi type non. Pagpalagay na natin na malayo ako sa standards n'ya. Sige nga. I-imagine mo kami ng...