Chapter 15: What Have You Done
-YSLA ALONZAGA-
Kung anong ikinasigla ni Aloha nitong nakaraang araw dahil sa FLAMES kuno n'ya, s'ya namang ikinalalamya n'ya ngayon.
"Sabi ko naman kasi sa'yo. Wala talaga kaming pagasa ng kapatid mo." Gatong ko pa rito.
Dahilan n'ya, ilang araw na kaming natambay dito sa kanila para sana makita n'ya kung may connection ba kami ng kapatid n'ya kaso ay hindi naman ito nalabas ng kwarto dahil may inaasikaso sa pagaaral.
Ayon, nabubugnot lang s'ya kahihintay sa mangyayari sa amin ng kapatid n'ya. Na wala naman talagang mangyayari dahil wala naman talaga. Ano pa bang hihintayin mo aber?
"Eh kaya nga kasi tayo andito sa amin, kasi-"
"Ilang beses mo nang sinabi 'yan Aloha. Rinding rindi na ako." Sabi ko rito. "Ano ba, ikalma mo nga 'yang sarili mo. Baka kasi ikaw lang nagaassume na may something sa amin ng kapatid mo e."
"Yun nga. Nagdadalawang isip na rin ako." Walang ganang sabi nito na ikinalaki ng mata ko.
Sa wakas! Nagets na rin n'ya!
"Pero feeling ko kasi type ka ni Kuya." Biglang bawi n'ya kaya't napakagat na lang ako sa labi para pigilan ang nabubuong asar.
"Hindi talaga tulad ko type non. Hanapan mo na lang ng bago." -Ako.
"Napaka mo naman! Ayaw mo ba talaga sa kapatid ko?" -Aloha.
"Hindi sa ganon tungeks. Ang sinasabi ko. Kahit magkagusto ako sa kuya mo, waley pa din kasi iba type n'ya. Okay?" -Ako.
"Ano ba Ysla, ipipilit natin." Parang shungang sabi nito habang nagdadabog pa.
"Baliw, hindi nga ko sabi type non. Pagpalagay na natin na malayo ako sa standards n'ya. Sige nga. I-imagine mo kami ng kapatid mo. Naiimagine mo? Diba hindi. Kasi hindi." -Ako.
Tuwing sinusubukan kong magdaydream ng tungkol sa kapatid n'ya ay hindi ko talaga maimagine.
Kapatid ng kaibigan ko? My goodness. Hindi ko talaga maisip.
"Ano ba, pag tinamaan, tinamaan. Pake mo sa standards kung sayo nagkagusto. Weather nga nagbabago, taste pa kaya ng tao." -Aloha.
Wala akong magawa kundi ang magpakawala na lang ng hininga dahil sa kulit n'ya.
"Walang weather-weather na mangyayari dahil wala akong gusto kay Kun. Malinaw na ba? And that's final. Wala akong gusto sa kuya mo." Matigas kong sabi dito.
Kita ko ang pagmamatigas sa mukha n'ya lalo pa nang talikuran ako nito at solohin n'ya 'yung malaking chips.
"Hoy pahingi ako n'yan!"
"Kumuha ka sa baba, bahala ka!" Parang batang sabi nito.
Hay nako, hindi ko na talaga alam gagawin ko sa babaeng 'to. Napakakulit.
Sinubukan kong kausapin muli si Aloha kaso ay tinalikuran lang ako nito kaya't napangiwi na lang ako sabay tawa.
"D'yan ka na muna. Kukuha lang ako sa baba." Sabi ko dito at lumabas na dahil wala naman nang balak si Aloha na pansinin ako.
Pagkababa ko sa kusina ay hindi na ako nanibago nang walang taong sumalubong sa akin. Ang tahimik din doon na para bang katatapos lang ng bagyo.
Anyways, nagpainit na lang ako ng tubig para magtimpla ng kape.

YOU ARE READING
Go With The Flow
RomanceWavered by the wave. Ysla, is her name. To ignore this fluttering feeling or to just go with the flow. And now I don't know. --- "Baliw, hindi nga ko sabi type non. Pagpalagay na natin na malayo ako sa standards n'ya. Sige nga. I-imagine mo kami ng...