Chapter 8: Give Away Pasta
-YSLA ALONZAGA-
"Mga anak, baba lang kayo dito kapag nagugutom na ha?"
"Opoooo."
"Salamat Tita." Sagot ko sa Mommy ni Aloha habang papaakyat na kami papunta sa kwarto ni Aloha.
Agad akong dumeretso sa maliit na couch sa kwarto ni Aloha bago irelax ang sarili ko dito.
"Hanggang ngayon, wala pa rin akong idea kung saan ko na ba hahanapin si Kuya. Hindi ko maimagine kung nakakakain pa ba 'yon ng ayos kasi baka kung saan saan na lang s'ya nag stay."
Pakiramdam ko ay sinuntok 'yung baga ko dahil sa narinig ko mula kay Aloha na binubuksan ang aircon. Mabuti na lang at nabalik ako sa huwisyo bago pa man s'ya makalingon sa pwesto ko.
"D-diba, sabi mo sa palagay mo may kinalaman si Kuya Khan kaya umalis si Kun." Tanong ko.
"Oo, sure ako don. Kasi diba hindi naman kami magkakasama lumaki. Feeling ko may something sa kanila na hindi nila sinasabi. Para silang nagsisiringan na lang lagi." -Aloha.
"Ha? Hindi sila magkasama lumaki?" Gulat na tanong ko dito. Hala tae, bakit hindi ko alam.
"Hala hindi ko pala nakwento sayo. 'De kasi ganito. Diba limang taon nga 'yung agwat nila, si Kuya Khan kasi dito lumaki sa Pilipinas. Nung time na magtatrabaho na si Mommy at Daddy sa Australia, 5 years old na s'ya non, pero dahil buntis na si Mommy non kay Kuya Kun, dinala si Kuya Kun papuntang Seattle. Hinintay nila matapos yung contract kaya paguwi namin, 10 years old na si Kuya Khan. Hindi naman alam nila Mommy na kahit pinaaalagaan si Kuya Khan sa kapatid ni Mommy, nagkaroon si Kuya Khan ng independent traits..."
"...hindi din naman inasahan nila Mommy na parang syempre, naging awkward sila Kuya sa isa't isa. Okay naman sila sa'kin parehas pero syempre dahil si Kuya Kun 'yung kasama ko talaga sa Seattle, syempre mas kasama ko lagi si Kuya. Tapos ayun. 'Yun na 'yon." Mahabang paliwanag ni Aloha sa akin dahilan para dahan dahan akong mapatango.
Hindi naman kasi naikwento nga sa akin ni Aloha 'yon dahil hindi ko naman naitanong. Kaya ayon, 'di ko alam. Akala ko hindi lang talaga sila close. May history pala naman.
"Parang ang babaw naman kung aalis si Kun dahil lang awkward s'ya sa kapatid n'yo." Puna ko.
"Hindi, feeling ko may ibang dahilan talaga. Parang tanga lang kausap si Kuya Khan, hindi s'ya naamin."
Napaisip naman ako. Kasi syempre, nakakacurious, hindi ko alam kung bakit hindi sila okay.
"This time, feeling ko si Kuya Khan talaga may kasalanan. Oo before, mas madalas na naghahanap ng away si Kuya Kun. Madalas na s'ya 'yung gagawa ng ikakatalo nila. Pero ngayon---"
"Oo ako din, feeling ko nga." Pagsabat ko dahil ganon din ang iniisip ko. "Pero wag tayong pakampante, wag muna tayo magside sa kahit na sino sa kanilang dalawa." Dagdag ko pa.
Naisip ko naman bigla, baka may alam si Audrick. Kung bakit umalis si Hakuna dito sa kanila.
Pero sinabi nga ni Audrick na hindi sila close talaga, sadyang class monitor at class rep lang ang relationship nilang dalawa. Close lang pero hindi friends. Atsaka sa tingin ko, hindi basta basta magkkwento si Kun don.

YOU ARE READING
Go With The Flow
RomansaWavered by the wave. Ysla, is her name. To ignore this fluttering feeling or to just go with the flow. And now I don't know. --- "Baliw, hindi nga ko sabi type non. Pagpalagay na natin na malayo ako sa standards n'ya. Sige nga. I-imagine mo kami ng...