Chapter 12

14 2 0
                                    

Chapter 12: Do You Ever...

—YSLA ALONZAGA—

"Mabuti na lang talaga considerate si Ma'am Cornejo. 'Yun na lang ata 'yung lecturer natin na nakakaintindi sa estudyante." -Ako.

"Correct ka d'yan. Malas nga lang natin sa ibang subject teacher natin." -Aloha.

"Atleast, mataas magbigay ng grades sa end of the quarter." -Ako.

"Yun nga lang patay patay talaga tayo sa dami ng pinapagawa." Tinatamad na sagot nito bago sumimsim sa iniinom n'yang frappe.

Syempre, saan pa ba ang deretso namin kundi sa coffee shop lang din naman dahil gusto namin mag UNWIND. You hear that? UNWIND. Naka all caps pa.

"Tara na sa inyo." Pagaaya ko dito habang umiinom ng kape. "Dun na tayo tumambay."

"Ih, sa inyo na lang tayo." -Aloha.

"Wala naman tayong gagawin sa'min. Boring don." -Ako.

"Nasa bahay kasi si Kuya ngayon. Alam mo naman 'yon. KJ." -Aloha

"Hindi naman tayo nalabas ng kwarto mo e." Paliwanag ko dito pero pinalapit lang ako nito dahil may ibubulong daw s'ya pero ganon na lang ang gulat ko nang bigla nitong iharang ang palad n'ya sa mukha ko.

"Teka nga. Nung nakaraan ka pa aya nang aya na dun na lang tayo sa amin. Umamin ka nga, ano'ng meron." Wala sa sariling napalayo ako sa kan'ya dahil sa sinabi nito.

"Huh? Ano'ng 'ano'ng meron.'" Nakataas ang kilay na tanong ko dito dahil hindi ko alam kung ano ang sinasabi nito.

"May ginawa ka bang kasalanan?" -Aloha.

"Ako?! May kasalanan? Ano na namang ginawa ko?" -Ako.

"Hindi kasi. Ilang araw ka nang sa amin lang nagyayaya. Mamaya pala may ginawa ka sa inyo kaya sa amin ka natambay." Nakangiwing sagot nito dahilan para manliit ang mga mata ko.

"Lawak ng imagination mo." -Ako.

"Hoy Ysla, hindi malabo!" -Aloha.

"Ang dami mong alam." Tanging sabi ko na lang dito.

In the end, wala naman s'yang nakuhang sagot sakin dahil wala naman talaga akong isasagot sa kan'ya. Wala din naman s'yang nagawa dahil sa kanila pa rin ang deretso namin ngayon.

Sa totoo lang, ilang araw ko nang hindi feel tumambay sa'min dahil wala namang ibang tao don bukod kay Mommy dahil nasa trabaho pa si Daddy.

Mas nakakalibang sa kanila dahil may ibang tao kang makikita. Kaya siguro ilang araw na din akong nagyaya na tumambay sa kanila pagkatapos ng klase.

"Kids, kumain na lang kayo sa kusina. May pagkain na don. Aalis lang ako saglit." Paalam ni Tita sa amin.

"Mommy, doughnuts pasalubong ha?" -Aloha.

"Ikaw Kun?" -Tita.

"Espresso, no ice, no sugar." Pagak na sabi nito habang nakangiti nang onti kay Tita. "Should I drive you, Mom?"

"No need. I can naman. Ikaw Ysla?" -Tita.

"Po? Kahit ano po." Tanging sagot ko na lang bago kumaway kay Tita.

Hindi ko alam kung maninibago ba ako nang makitang nasa salas na si Kun habang nanonood. Na dati ay sa condo unit lang ng ibang tao ko nakikita pagkatapos ng school dahil naglayas s'ya dito sa kanila.

Go With The FlowWhere stories live. Discover now