Chapter 25: Call Me Maybe
—YSLA ALONZAGA—
"Magtigil nga kayong dalawa. Bakit ba andito kayo parehas. Agang-aga, s'ya namang singga n'yo sa pagiingay." Sita ko sa magkapatid na agang-aga ay andito na sa amin.
Mabuti na lang at wala si Mommy at Daddy. Parehas na may inaasikaso.
Kung nagkataon na nagpangabot sila dito ng magkapatid ay hindi nila papaalisin 'to at mapipilitan lang ako na magentertain ng bisita nang ganito kaaga.
"Ako andito talaga ako pag weekends, hindi ko alam kung bakit andito si Kuya." Depensa ni Aloha sa kapatid na mukhang wala namang pakialam.
"Shouldn't you leave? Wala ka namang ibang ginagawa dito. You're just loitering here. Look at all those mess. What a nuisance you are, Aloha." Preskong sagot ni Kun.
"Bastos nare! Ano'ng leave? Ba! ikaw ang umalis. Hindi ka nga nagpaalam kay Mommy tapos dito ka tatambay."
"Excuse me, I'm 3 years older than you. I basically don't need to ask Mom wherever I wanna go. You're the one who should ask for Mom's permission. Atsaka akala ko ba inutusan ka ni Mommy na asikasuhin 'yung garden. I finished the garage last week so I have no reasons to not go here. Eh ikaw?"
ಠ ͜ʖ ಠ
Wala naman akong kapatid pero bakit ako nakakawitness ng ganito. Help po pls.
Nananatili pa ring presko si Kun pero si Aloha ay parang na-anga na nang magmuni-muni ito sa kisame namin na para bang nagiisip ng taimtim.
Agad akong napabuntong hininga bago sila harangin na dalawa.
"Ano ba, tumigil na nga kayo. Ikaw Aloha, umuwi ka muna at tapusin mo 'yung inuutos ni Tita sa'yo. Tapos ikaw naman Kun, ang daldal mo. Tagalog ka nang tagalog. Magenglish ka na lang. Parehas kayong umuwi at maaga pa! Naiistress ako sa inyo."
¯\_ಠ_ಠ_/¯
Agad ko silang itinulak na dalawa papalabas ng pintuan at parehas na masama ang tingin sa isa't isa.
"Kasalanan mo 'to Kuya! Napakasalaula mo! Ako ang original! How dare you!"
"This kid." Nakahawak sa sintidong sabi ni Kun bago humarap sa'kin. "Hey Ysla, I should stay—"
"Hep! Umuwi muna kayo parehas. PAREHAS. PA. RE. HAS. Go! Chupi!" Matigas kong sabi bago sila itulak na nang tuluyan.
Wala rin naman silang nagawa dahil alam nilang hindi ko sila papapasukin sa bahay kahit na anong gawin nila.
Ending, umalis din sila. Kaso nagtalo pa sila dahil ayaw pasakayin ni Hakuna itong kapatid n'ya sa kotse. Well, magkasama pa rin naman silang umuwi.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga bago lumingon sa kurtina.
"Sige na Wave, labas na d'yan. Wala nang aswang." Malambing kong sabi bago mamataan ang maliit na batang lumabas sa kurtina. May hawak na Dutch Mill at Marie.
(〒﹏〒)
"Bat ga ho may aswang rine sa inyo? E ka-aga pa la-ang naman pala'y sila itong pagala-gala na."
༼;'༎ຶ ༎ຶ༽
Halos mangalas ang mga braincells ko lalo pa nang magsalita na ito. Nasabi ko naman na wala akong pinsan na kaedaran ko at lahat ay may asawa na. Nagkataon na may business trip daw ang mommy nitong pamangkin ko at kagabi lang dinala dito sa amin.
"Manood na lang tayo ng T.V. ha? Wag mo na lang ipagsabi na may nakita kang aswang." Sabi ko bago ito tabihan sa sofa—
"Sya! Ay inam, are si tita'y dinurog ang aking biskuwit!" Bulalas ng pamangkin kong si Wave dahilan para hindi na maalis ang kamay ko sa dibdib. Juicecolored.
YOU ARE READING
Go With The Flow
RomantikWavered by the wave. Ysla, is her name. To ignore this fluttering feeling or to just go with the flow. And now I don't know. --- "Baliw, hindi nga ko sabi type non. Pagpalagay na natin na malayo ako sa standards n'ya. Sige nga. I-imagine mo kami ng...