Chapter 34: To Whom Are You Jealous?
—YSLA ALONZAGA—
Napahawak na lang ako sa ulo ko nang maramdaman na para itong hinahataw.
"Ang sakit ng ulo ko potek." Mahina kong bulong bago iharang ang unan sa mukha kong nasisinagan ng araw.
Hindi ko maalala kung ano na bang nangyari kagabi matapos kong uminom ng ilang baso ng alak na binuksan ni Taki.
Hindi na ako uulit. Hindi nakakatuwa, pagkasakit sa ulo napaka.
Sinubukan ko ulit sana na matulog pero hindi na ako dinalaw ng antok kaya't bumangon na lang ako kahit pa ramdam ko ang sakit ng ulo ko.
Bangag akong nagtungo sa kusina ng rest house nila Xinji. At pagkarating ko ng kusina ay narinig ko na agad ang boses mula sa salas.
"Oh? Gising ka na pala. Kumain ka na lang d'yan." Bungad ni Sundae sa akin na katabi si Taki at Xinji habang nanonood ng TV.
Siguro tulog pa 'yung tatlo.
Hindi ko na nagawa pang sumagot sa kan'ya dahil sa sakit ng ulo ko. Bagkos ay nagderetso na lang ako sa may kataasang counter bar kung na saan nakahain ang pagkain.
Ganon na lang ang pagkatuwa ko nang bumungad sa akin ang mabangong bacon na nakahain sa lamesa. Kakain na sana ako nang may magsalita.
"You should get some soup. You still have hangover."
"Meron ba d'yan?" Tanong ko dito habang tinutusok-tusok pa ang bacon.
"Here."
"Thank y—HAKUNA?!"
Muntik na akong mahulog sa kinauupan ko nang makita kung sino ito. Para din siguraduhin na baka dala lang ng ito hangover at nagiilusyon ako ay makailang beses kong ipinilig ang ulo ko.
Pero hindi pa rin nagbago ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ko.
Si Hakuna nga! Anong ginagawa n'ya dito? Paano nakarating 'to dito?!
"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko dito habang hindi pa rin natatanggal ang panlalaki ng mata ko.
Ngumiti ito ng bahagya bago uminom sa baso na ihinain n'ya para sa'kin.
"Why? You don't like me here?" Tanong nito pabalik kaya't umayos ako ng pagkakaupo at pinagmasdan ito.
Hindi ko mawari kung anong mood ang meron s'ya. Hindi ko din mabasa kung akong iniisip n'ya.
Nakangiti s'ya oo. Pero hindi ko alam kung bakit parang may ibigsabihin 'yung ngiti n'ya. Parang may gusto s'yang sabihin na hindi ko naman alam kung ano.
Pinagmasdan ko s'ya ng bahagya.
"May ginawa ba akong kasalanan sa'yo?" Maingat kong tanong pero nginitian lang ulit ako nito dahilan para mas lalo lang akong magduda. "May ginawa ba ako?" Maluha luhang tanong ko dito pero umioing lang s'ya sabay tayo at lumapit sa akin.
"Go finish your breakfast. Ako na maguuwi sa inyo mamaya." Huli nitong sabi bago ako dampian ng mababaw na halik sa ulo. "I'll be fixing your things na."

YOU ARE READING
Go With The Flow
RomanceWavered by the wave. Ysla, is her name. To ignore this fluttering feeling or to just go with the flow. And now I don't know. --- "Baliw, hindi nga ko sabi type non. Pagpalagay na natin na malayo ako sa standards n'ya. Sige nga. I-imagine mo kami ng...