Chapter 17

14 2 0
                                    

Chapter 17: Sleep Over

—YSLA ALONZAGA—

"Wala pa rin tayong kuryente?" -Ako.

"Tumawag naman na ako sa mga electrician e. Paparating na daw. Kanina pa." -Mommy.

"Juicecolored. Lowbatt ang phone at laptop ko, walang aircon, wala ring wifi. Ano bang balak hintayin ng mga 'yon? Kidlatan ulit tayo?" -Ako.

"Nako, kahit mayamot ka. Mukhang matatagalan pa ng ayos d'yan." -Mommy.

Hindi ko na napigilan ang inis at marahas na ginulo-gulo ang buhok.

Nang bigla na lang tumambad sa salas ang mukha ni Aloha na nakangiti sa akin na para bang may binabalak.

"Tita, dun kaya muna sa amin si Ysla." Agad akong napaayos ng tindig dahil sa sinabi nito.

"Oo nga ano." Pagsang ayon ni Mommy.Teka wait, ano daw?

Wala sa sariling pinagkatitigan ko ang dalawa na naguusap.

"Kasi baka mapabayaan po ni Ysla ang pagaaral n'ya pag walang kuryente. Katulad kanina, nalate s'ya sa school. Paano kung ibaba ng lecturer namin ang grades n'ya, tapos mahihirapan s'yang humabol, tapos senior high pa man din kami at college na next year, paano kung bumagsak s'ya at hindi tanggapin ng University, tapos hindi s'ya makakapagtapos ng pagaaral, tapos hindi s'ya makakapagtrabaho, tapos wala s'yang pagkukuhanan ng pera, magugutom s'ya, tapos magmumukha na s'yang chaka at kawawa, tapos dahil pangit na s'ya, hindi s'ya makakapagasawa. Kaya tita, pagisipan n'yo. Mabuting sa amin muna talaga s'ya."

Nanlaglag ang bibig ko dahil sa dere-deretsong sabi ni Aloha kay Mommy na mukhang napaisip nga sa sinabi ng kaibigan ko.

"Nako, Ysla. Magimpake ka na, ngayon din. Magchachat na ako sa kanila at sasabihing doon ka muna." -Mommy.

ಥ‿ಥ

Anak nang tupa, anue daw. Bakit bigla na lang akong pinalalayas sa amin.

"Tita, wag kayong magalala. Kapag walang napangasawa 'tong kaibigan ko, pwedeng pwede 'yung kapatid ko."

"Hoy Aloha!" Saway ko dito dahil kung ano-ano na naman ang pinagsasabi nito!

"Sino sa kapatid mo?"

"Si Kun, Tita."

"Gg na. Basta gwapo, gg. Maganda sa lahi."

"Mommy naman!"

。。。

"Ano ka ba, parang hindi ka pa natutulog dito noon, e kahit nga magkaiba tayo ng village e liban lang ako ng liban sa inyo." -Aloha.

"Kung ano-ano kasi pinagsasabi mo kay Mommy! Nakakaasar ka." -Ako.

"Hoy narinig mo ba kanina, go na go si Tita kay Kuya." Tuwang tuwang sabi nito habang niyuyupi ang notebook n'ya na para bang kilig na kilig.

Jusko. Ewan ko na lang. Mukhang dito nga muna ako kina Aloha ng ilang araw habang hindi pa naaayos 'yung kuryente sa bahay. Sana lang makasurvive ako dito.

"Bahala ka, mas mahalaga 'yung assignment ko kaysa sa kilig. Bahala ka bumagsak." Asik ko dito pero patuloy pa rin ito sa pagtawa-tawa at pagngiti.

"Sanaol Ysla, kahit wag na magcollege. Mayroon naman nang mapapangasawang gwapo—"

"Gobas na gobas ka na Aloha. Para mo nang awa." Iritadong saway ko sa kan'ya.

KINABUKASAN...

Maaga akong nagising at naligo kahit bahagya akong napuyat sa ginagawa kong report kagabi. Inagahan ko na dahil alam kong mabagal sa banyo si Aloha. Baka magsabay pa kami edi nalintikan na.

Go With The FlowWhere stories live. Discover now