Chapter 2

31 3 0
                                    

Chapter 2: Knock, Knock

-YSLA ALONZAGA-

"Wala pa rin bang reply 'yang kapatid mo?" -Ako.

"Hindi nga ata binabasa e. Maghapon na n'yang hawak 'yung phone n'ya tapos hindi pa rin n'ya binabasa." -Aloha.

"Ang mahalaga, nakasilong tayo. Kung hindi man s'ya makakarating ngayong gabi, feeling ko naman titila na 'yung ulan bukas." Banggit ko dito.

Nakapagcheck in na kami sa hotel at kasalukuyan na kaming nasa loob ng kwarto.

Mabuti na lang at naabutan namin yung promo kuno na sinasabi nila. Nagkataong may 10 hours stay kami sa medyo mababang halaga.

Bumuntong hininga ako bago sumilip sa malaking glass window na nakatapat sa kalsada. Hanggang ngayon ay malakas pa din 'yung ulan, traffic din sa highway at masyado nang madilim habang may mga kulay pulang mga ilaw lang mula sa sasakyan ang makikita mo mula sa kataasan ng hotel na kinalulugaran namin.

"Magpahinga na lang tayo. Mukhang bukas na talaga tayo makakauwi." Banggit ko dito bago magtanggal ng sapatos at tuyuin ang buhok ko gamit ang towel na nasa loob ng kwarto.

Mukhang pagod na pagod din si Aloha kaya nahiga na s'ya sa kama.

Kung bakit ba kasi biglang umulan e ang taas taas naman ng araw kaninang umaga.

Umupo na lang ako sa kama dahil hindi ako sanay matulog sa ibang bahay bukod sa bahay nila Aloha. Plus the fact na nasa hotel kami. Hindi talaga ako sanay.

Siguro lumipas na ang halos kalahating oras at hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Samantalang 'yung kasama ko, ang himbing himbing na ng tulog.

Agad kong binuksan ang phone at magt-text sana ako kay mommy na hindi ako makakauwi nang bigla akong makarinig ng malakas na kalabog mula sa ding-ding na sa tantya ko ay mukhang galing sa kabilang kwarto.

Dahil usisera ako, sinubukan kong icheck yung ding-ding para malaman kung anong meron sa kabilang kwarto.

Itinapat ko 'yung tainga ko sa ding-ding pero ganon na lang ang pagkahiwalay ko sa mismong ding-ding nang makarinig na ako ng mas malakas na dagungdong.

Na sinamahan pa ng boses...

Hindi ko alam kung papaano ko idedescribe 'yung narinig ko mula sa kabilang kwarto pero mukhang hindi lang isang tao ang andoon.

Ano kaya'ng mayroon don? Hindi ba sila aware na nasa hotel sila at 'BAKA'.

'BAKA' lang naman nakakasagabal sila diba?

Pero hindi pa man ako nakakalayo ng bahagya sa ding-ding ay nasundan naman ito nang mas malinaw na tunog mula sa kabilang kwarto na ikinataas ng balahibo ko!

Ayaw kong madumihan 'yung utak ko pero hindi ako nagkakamali ng narinig.

May nangyayaring milagro sa kabilang kwarto, yowo.

;' ۝

Agad akong nagtungo sa kama kung na saan ang kaibigan ko. Ginising ko s'ya at sinabing pakinggan 'yung naririnig ko mula sa kabilang side ng kwarto kung na saan kami.

Go With The FlowWhere stories live. Discover now