Chapter 7: Wristwatch
—YSLA ALONZAGA—
"Anak, galing dito si Khan kanina. May iniwang bag. Buksan mo na lang."
Hindi ko napigilan ang paglukot ng mukha ko dahil sa narinig mula kay Mommy.
Maaga 'yung dismissal namin ngayon kaya maaga din akong nakauwi. Hindi ko naman alam na 'yun agad ang bubungad sa'kin pagkauwing pagkauwi ko.
Imbis na magsalita ay nagderetso ako sa kusina para uminom ng tubig. Kaso ay bigla kong nakita ang isang hilerang paper bag na nakapatong sa lamesa dahilan para mapaatras na lang ako.
"My ano to?!" Malakas kong sigaw.
"Iniwan nga ni Kahuna." Sagot nito.
Hindi ko alam kung ano bang itsura ko, maging nang reaksyon ko.
Isa isa kong tiningnan ang mga paper bag at nakitang puro pagkain ang laman ng mga 'to. Habang ang ilan naman ay mga gamit na naman.
Hindi ko maintindihan kung para saan ba 'to o ano bang gustong gawin ng nakatatandang kapatid ng kaibigan ko.
As in. I mean, wala naman dahilan, walang okasyon, hindi kami close at HINDI KAMI CLOSE. Capital letters, para magets mo naman.
Napahawak na lang ako sa sintido ko habang iniiwasan nang tingin muli 'yung mga paper bag. Pakiramdam ko mabubulag ako kapag tiningnan ko pa ng ilang ulit kaya wag na lang.
Titingin sana ako sa relo ko kaso naalala kong nawawala nga pala kaya sa phone clock na lang ako nagcheck ng oras at nakitang late na kung aalis ako ngayon.
Siguro ay bukas na lang tutal wala namang pasok bukas.
。。。
Huminga ako ng malalim bago pumasok sa building kung saan ako nakatingin lang kanina.
Derederetso ako sa information center hanggang sa babaeng nasa unahan na pwede kong pagtanungan.
"Miss, dito po ba si Revega? Kahuna Revega?" Tanong ko dito.
Umaasa ako na sasagutin ako nito ng 'Excuse me Miss, may appointment ka ba kay Mr. Revega.' or ng 'Kaano ano ka po ni Mr. Revega, nasa meeting po kasi s'ya ngayon.' Pero hindi.
Tumango lang ito bago tumawag sa telepono. Maya maya lang ay iginaya ako nito paupo sa waiting area nila.
Maganda 'yung company, unlike sa ibang company building na boring at minimalistic. Ito, lively at ramdam mo 'yung freewill vibes.
Hindi naman messy or over designed pero maganda. Halatang artistic—
"So you're here."
Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses at hindi ko maiwasan ang mapairap ng bahagya dahil mismo sa kan'ya.
"May malapit na cafe ba dito? Or gusto mo dito na tayo magusap para marinig sa buong workplace mo 'yung mga sasabihin ko." Deretso at monotonal kong sabi.
Dala pa rin ang ngiti ay sumangayon ito sa akin bago mauna ng lakad.
Sa hindi kalayuang cafe ay agad kaming nagtungo at walang ano ano at kauupo pa lang ay winarshock ko na agad 'to.
YOU ARE READING
Go With The Flow
RomanceWavered by the wave. Ysla, is her name. To ignore this fluttering feeling or to just go with the flow. And now I don't know. --- "Baliw, hindi nga ko sabi type non. Pagpalagay na natin na malayo ako sa standards n'ya. Sige nga. I-imagine mo kami ng...