Chapter 30

7 2 0
                                    

Chapter 30: Hi Fam

—YSLA ALONZAGA—

"Kaya ayaw mo magselos kasi sabi mo manliligaw lang kita. Magseselos ka na ba kung sasabihin kong tayo na?"

(*・~・*)

Okay, nagulat s'ya.

Napakagat ako sa dila ko dahil don bago bumalik ng pagkakaayos sa upuan.

"F-final na 'yon." Sabi ko dito. Akala ko ay magsasalita sya pero nanatili lang ang panlalaki ng mata nito. "Hakuna naman."

"A-ang bilis. It's not that long since I talked to your parents. And I haven't done anything yet." Gulat na tanong nito sa akin kaya't huminga muna ako ng malalim.

"Gusto mo ko, gusto din naman kita. Kung paghihintayin pa kita, bakit hindi nalang ngayon. Walang ng trial-trial. Tayo na." Deretso kong sabi pero hindi na naman s'ya sumagot kaya't hinampas ko na 'to. "Hakuna naman!"

"My brain just kept crashing. Teka." Parang nababaliw na sabi nito habang nakatulala sa manibela at matamang pinagiisipan ang mga nangyayari sa mundo.

"Alam mo babatukan kita ng malala—"

"Teka kasi, kinikilig ako." Masama ang tingin na sabi nito sa akin.

"Oo nga e, nagtatagalog ka na nga e." Puna ko dito pero nagtakip lang s'ya ng mukha dahilan para tuluyan ko na nga itong hampasin. "Hakuna naman!"

"Kinikilig ako wait. Give this moment to me please." -Kun.

"Ewan ko sayo." -Ako.

"Come on, give me a hug." Full smiles na sabi n'ya dahilan para manlaki ang mata ko. "Please?"

Halos lumuwa na ang mata ko dahil hindi ko naman s'ya mahindian sa pakiusap n'ya. Kaya't dahan dahan akong humilig kay Kun na nakabukas ang braso.

"Wag ka nang ngumiti please." Pagawat ko dito pero ramdam ko ang pag-iling neto.

"Should we go on a date—uh huh! No. We're going home pala you haven't got any sleep yet. The date can wait. You're sleep can't."

Agad akong napahiwalay dahil sa sinabi nito.

"E, sabi ko naman sa'yo hindi pa ako inaantok." Pagpupumilit ko dito pero umiling lang s'ya sa akin sabay bitaw atsaka binuksang muli ang makina ng sasakyan. "Kun naman."

"That's what you get for drinking coffee for an entire week."

At nanlumo na lang ako dahil mukhang wala namang balak si Kun na makinig sa akin.

"We're going home. Period."

。。。

Sabado ngayon at sinundo ako ni Kun. Alam ko naman na kung saan kami pupunta pero hindi ako nagsasalita.

Hanggang sa halos panlamigan ako nang katawan nang makita ang gate ng bahay nila Aloha.

Dati naman na akong napunta at natambay dito. Bakit naman kinakabahan ako ngayon.

(╥﹏╥)

"Teka wait." Pigil ko kay Kun nang akmang papasok na kami sa loob. Tiningnan ako nito at tinawanan pa.

Go With The FlowWhere stories live. Discover now