Chapter 27

7 2 0
                                    

Chapter 27: Getting Some Sleep

—YSLA ALONZAGA—

"Ack! Juicecolored, bakit puro na tayo activities. Parang last week, sobrang libre natin tapos ngayon naman sobra na tayong loaded." Reklamo ni Aloha.

Agad akong napabuntong hininga bago buksan ang iced coffee'ng nasa lata na bigay ni Kun sa akin.

Akala ko araw-araw ang kilig. May katapusan pa rin pala. Kapag andyan na ang subjects talagang kahit anong ganda ng mood ko, naiistress ako nang wala sa oras.

"May groupings pa tayo sa ICT. Tapos may quiz din tayo sa Gen Math. Nagreview naman na ako pero pakiramdam ko nauboa bigla lahat ng natutunan ko." -Ako.

"Gusto ko na mag bakasyon." Reklamo nito at gaya n'ya ay bumagsak na lang ang balikat ko.

Last year naman na 'to. Sana matapos na din. Grind kung grind, konting puyat na lang 'to.

Buong maghapon ay sabog na sabog kaming dalawa ni Aloha kahit na naglelecture na ang teacher sa harapan.

Ngayon naman ay may groupings pa kami at kami naman ng mga kagrupo ko ang magkakasama.

"Feeling ko hindi natin matatapos 'to ngayon." Problemadong sabi ko sa mga kagrupo ko at agad naman na nagtaas ng kamay 'yung isa.

"Since next week pa ang pasahan, pwede namang maghinay-hinay tayo. Magasign ka ng take home task para sa araw na 'to sa bawat member then bukas na lang tayo magovertime since masyadong mahaba ang araw na 'to." Paliwanag ni Kyle; kaklase ko.

"Oo nga, take home muna tayo ngayon." Pagsangayon naman ng iba.

Agad akong nakahinga ng maluwag dahil dito. Mabuti na lang at hands on ang mga kagrupo ko. Hindi gaanong mabigat.

'Yun nga lang feeling ko malas talaga kaming dalawa ni Aloha dahil never pa ata kami nitong naging magkagrupo.

Anyways, natapos din ang meeting namin at naghahanda na kami pauwi. Kasabay ko si Aloha papalabas nang gate nang bigla ako nitong hawakan sa braso.

"Saan ka pupunta?" Takang tanong nito.

"Bus stop. Dun naman ang sakay natin." Sagot ko dito pero umiling lang ito.

"Maaga uwi ni Kuya, dadaan dito."

Halos maituwid ko ang tayo nang marinig ang sinabi ng kaibigan ko. Bakit hindi pa din ako sanay. Dati naman na kaming nagkakasama sa sasakyan.

Pakiramdam ko ay unang beses 'to na sasakay ako ng sasakyan.

"Walanya talaga. Ano na ba kayo, parang wala akong alam. Hello, chaka n'yo naman masyado!" Biglang sigaw nito pero tinapik ko din sa balikat.

Hindi pa sinasabi ni Kun sa kapatid n'ya na nililigawan na n'ya ako kaya wala pa muna akong balak na sabihin din sa kan'ya. Tsaka na.

"Hulaan mo na lang-"

Agad na natigil ako sa pagsasalita nang may bumusina sa harapan namin. Hindi pa man naibababa ang bintana ay kilala ko na kung sino ito at agad na akong pinamugaran ng kaba sa dibdib.

Go With The FlowWhere stories live. Discover now