Chapter 29

17 2 2
                                        

Chapter 29: Car Talk

—YSLA ALONZAGA—

"Kuya!"

"Kun!" Nakangiting bati ko rito habang kumakaway.

(ノ◕ヮ◕)ノ*.✧

Pakiramdam ko ay naubos lahat ng puyat na inipon ko nitong mga nakaraang araw nang makita ko lang s'ya ng isang beses.

( ꈍᴗꈍ)

"Kyle, mauna na kami ni Aloha. Salamat ha! And good job!" Nagmamadaling sabi ko rito bago isakbit ng maayos ang bag.

Nagtaka ako nang makitang mas lutang pa ang itsura ni Kun kaysa sa akin. At walang sabi-sabi na dumeretso na lang ito papuntang kotse.

Mukhang napansin din 'yon ni Aloha dahil nagkatinginan kami ng saglit. Bigla pa munang lumingap sa kung saan si Aloha bago sumigaw.

"Kuya! Magb-bus ako, sasabay ako kina Taki ngayon." Biglang bulalas nito dahilan para manlaki ang mata ko. Nakita ko naman ang paglingon ni Kun sa kapatid at tumango.

"Be home early." Tipid nitong sabi na nagpasingkit sa mata ko.

Agad kong pinandilatan si Aloha nang maalala ang ginawa n'ya pero inginuso nito ang Kuya n'ya na nakatalikod na. Bago bumulong ng 'Wag mong kalimutang may atraso ka kagabi kay Kuya. Sabi mo tatawag ka, hindi ka naman tumawag.'

Bigla na lang akong naubusan ng dugo sa katawan nang maalala nga 'yon. Hindi nga ako tumawag, sht.

(╥﹏╥)

"My goodness, Aloha. I love you." Mangiyak-ngiyak na sabi ko bago tatakbong sumunod kay Kun.

"Kun." Tawag ko dito. "Tara dinner tayong dalawa. Magt-text ako kay Mommy na sa labas tayo kakain." Medyo kabadong pagaaya ko rito.

(;ŏ﹏ŏ)

Pumayag ka. Pumayag ka. Pumayag ka. Pumayag ka. Pumayag ka. Pumayag ka. Pumayag ka. Pumayag ka. Pumayag ka. Pumayag ka. Pumayag ka. Pumayag ka. Pumayag ka. Pumayag ka. Pumayag ka—

"Nope, you ingested too much coffee for the past few days cause you ain't sleeping. Uuwi ka." Deretsong sabi nito bago buksan ang makina ng sasakyan.

Agad na nanlaglag ang balikat ko dahil sa sinabi nito. Pero dahil may katuwiran ako ay ipaglalaban ko.

"Kahit naman ideretso mo ako sa bahay, hindi din ako makakatulog. 5-8 pa siguro mags-subside yung kape na ininom ko." -Ako.

"Unless you ordered a 5 shot espresso." -Kun.

"Paano mo nalaman?" Mangha kong tanong dahilan para mapalingon ito sa akin.

"Ysla, seryoso? That's too much. Ano ka ba? Nagbabawas ng taon sa buhay mo? If you need some sleep. You should get some. You don't have to drink coffee everyday." Inis na saad nito.

Pero imbis na mairita at magdahilan ay nakahinga pa ako ng maluwag dahil kanina ay parang wala s'ya sa sarili.

"Seryoso sa 5 shots, Ysla? Para kang ngumunguya ng coffee bean." Dagdag pa nito dahilan para mapangiti ako ng wala sa oras. Mabuti na lang at nagd-drive s'ya.

(ノ◕ヮ◕)ノ*.✧

Kaso bigla naman s'yang lumingon sa akin at nakita n'ya na nakangiti ako sa kan'ya kaya bigla ulit s'yang tumahimik.

Ano ba naman 'tong lalaking 'to.

"Bakit ka tahimik?" Tanong ko sa kan'ya at hindi nakalampas sa mata ko ang pasimpleng pagngiwi n'ya.

Go With The FlowWhere stories live. Discover now